Drug users at drug pushers, hayaang sumuko: Huwag patayin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total views

Pahalagahan ang buhay, huwag papatay.

Ito ang panawagan ni Digos Bishop Guillermo Afable at Radio Veritas President Father Anton Pascual sa dumaraming bilang ng mga napapatay dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ayon kay Bishop Afable, hayaang sumuko, magbago at magbayad sa krimen na nagawa o sa paggamit ng iligal na droga at huwag basta papatayin ang mga suspek.

Hinimok ng Obispo ang mga otoridad na makiusap, hulihin at ikulong ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga subalit huwag magpadalos dalos na patayin.

Ipinaalala ni Bishop Afable sa mga law enforcers na sundin ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapayapaan lamang ang ninanais niya para sa ikauunlad ng mga Filipino.

“Ang mga kinauukulan ay magpasiya. Sumuko at magbago at magbayad sa krimen nagawa o lumaban o lumikas. Ang mga inatasang hanapin at makiusap, hulihin man at ikulong ay huwag na huwag padalos-dalos na papatay kung maaari namang iwasan. Pahalagahan ang buhay lagi. Bawal ang pumatay. Ika nga ni President Duterte, I want the peace of the LIVING, not the DEAD,” pahayag ni Bishop Afable sa Radio Veritas.

Binigyan diin naman ni Father Pascual na ang pagpatay sa sinumang tao ay hindi maaring i-justify, labag ito sa moral decency at civility.

Iginiit ni Father Pascual na nararapat na igalang ninuman ang sagradong buhay ng tao.

“Christian humanism in the world shall absolutely respect every human person thus make the killing of anybody whether legal or illegal not justifiable and truly against moral decency and civility,” pahayag ni Father Pascual.

Kinumpirma ni PNP spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos na 316-katao na ang napatay sa unang 28-araw ng Duterte administration.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 889 total views

 889 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 25,205 total views

 25,205 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 60,995 total views

 60,995 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 102,874 total views

 102,874 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 156,170 total views

 156,170 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 62,125 total views

 62,125 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 39,698 total views

 39,698 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 78,120 total views

 78,120 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top