Tubig, Sanitasyon, at Urbanisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,567 total views

Kapanalig, napakabilis ng urbanisasyon sa ating bansa. Hindi lamang ito nakikita sa National Capital Region, kung di sa ilan pang mga rehiyon sa bansa. Ang mabilis naur banisasyon ay may malaking implikasyon sa mga imprastruktura at serbisyong bansa, gaya ng tubig at sanitasyon.

Base sa opisyal na datos, 45.3% ang antas o lebel ng ating urbanisasyon. Ibig sabihin nito, base sa 2010 population census, 41.9 million ng ating 92.3 milyong populasyon ay nakatira na sa urban areas. Noong 2007, nasa 42% lamang ang lebel ng ating urbanisasyon.

Ang mabilis na urbanisasyon ay nag dadala hindi lamang ng kaunlaran, kundi ilang mga problema. Ang mga syudad sa ating bansa ay humaharap sa mga isyu ng pagsisikip, over crowding, mababang kalidad ng buhay at lumalaking mga informal settlements. At sapaglaki ng problema na ito, ang problema sa tubig at sanitasyon ay lumalaki rin.

Base sadatos ng 2014 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), 85.5 percent ng 22.7 milyong pamilya sa ating bansa ay may access sa ligtas na suplay ng tubig mula sa community water system tungo sa kanilang sariling bahay, bakuran o sa mga pampublikong gripo o protected well o balon.

May natitira pang 14.5 percent of families nakumukuha ng kanilang water supply sa mga di ligtas na source gaya ng mga balong di nababatantayan, mga bukal, ilog, lawa, tubig ulan o sa mga nagbebenta ng tubig gamit ang tanker o trucks.

Pag dating naman sa sanitasyon, 94.1%ng mgapamilya ay may access sa sanitary toilet facility o mga kasilyas na nafa-flush at nakasara o close pit. Anim na porsyento naman ng pamilya ang gumagamit pa rin ng “open pit, drop or overhang” at de-buhos.

Kapanalig, kadalasan, ang mga kulang o walang access sa tubig o sanitasyon ay ang mga tunay na maralita. Sa mga urban areas, ang mga nakatira sa mga informal settlements ang karaniwang walang access sa tubig at sanitasyon. At dahil nga sa congested ang mga lugar na ito, ang mga pangangailangan sa ganitong batayang serbisyo ay nagiging mas matingkad.

Hindi nakailangangulitulitin pa nasa pag hangad natin ng modernisasyon at kaunlaran, hindi tayo dapat mang-iipit o mang-iiwan ng ating mga kababayan. Kahit ano pang linis ang gawin natin sa ating bakuran, kung madumi din ang ating lipunan, lahat din tayo ay magkakamantsa. Ang kakulangan sa tubig at sanitasyon ay hindi lamang problem ang iilan. Ito ay problema nating lahat dahil public health, kapanalig, ang nakataya din dito. Ang malinis at maayos na access to water and sanitation ay isang batayang karapatan. Ito ay dapat nating itaguyod dahil ito ay isang pamamaraan ng panlipunang katarungan at common good, mga prinsipyo ng ating pananalig bilang mga kristyanong katoliko. Ayon nga sa Laudato Si: Underlying the principle of the common good is respect for the human person as such, endowed with basic and inalienable rights ordered to his or her integral development. It has also to do with the overall welfare of society… The common good calls for social peace, the stability and security provided by a certain order which cannot be achieved without particular concern for distributive justice.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 23,603 total views

 23,603 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 59,393 total views

 59,393 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 101,285 total views

 101,285 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 154,657 total views

 154,657 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 179,923 total views

 179,923 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 23,604 total views

 23,604 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 59,394 total views

 59,394 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 101,286 total views

 101,286 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 154,658 total views

 154,658 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »
Scroll to Top