Due process, dapat manaig sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Ito ang mariing panawagan sa pamahalaan ni Atty. Au Santiago, head ng Council of the Laity ng Diocese of Caloocan sa isinagawang Walk for Life ng Diocese of Caloocan sa Navotas City.

Ayon kay Atty. Santiago, bahagi ng tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak sa tamang pag-iral ng batas maging sa mga hinihinalang sangkot sa ipinagbabawal na droga o anumang krimen sa lipunan.

Paliwanag pa Atty. Santiago, dapat na dumaan sa tamang proseso ng paglilitis ang bawat akusado at hindi nararapat na paslangin lalo’t wala pang sapat na batayan o desisyon sa hukuman.

“sa akin, ako nagsasalita bilang abogado sana po meron po tayong Due-Process of Law na sinasabi natin, kung maaari po kung meron tayong suspect ay imbitahan natin at kung talagang malakas ang ebidensya against the person ay kasuhan huwag nating basta papatayin. Ang panawagan ni Bishop sana gumawa ng paraan ang lokal na pamahalaan, lahat sa buong Metro Manila, buong bansa na sana ay gawan nila ng paraan kung papaano mare-resolve ang mga ganitong pagpatay…”pahayag ni Santiago

Una nang kinuwestiyon ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church kung ano ang pakahulugan ng Philippine National Police sa salitang “kriminalidad” dahil sa kabila ng patuloy na mga serye ng pagpatay hindi lamang sa Navotas, Malabon at Caloocan kundi sa buong bansa ay ang pagbaba naman ng kaso ng kriminalidad ang inihahayag at ipinagmamalaki sa publiko ng P-N-P.

Read: Pananahimik ng PNP sa laganap na EJK, pinuna

Kaugnay nito, sa tala ng P-N-P mula July 1, 2016 hanggang ika-24 ng Marso ng kasalukuyang taon ay bumaba ang crime rate sa bansa partikular na ang mga kaso ng murder, homicide, robbery, theft, carnapping at physical injuries mula sa higit 159-na-libo noong 2016.

Sa kasalukuyang administrsyon, mahigit sa 79-na libo ang crime index.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,045 total reads

 53,045 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,551 total reads

 132,551 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,996 total reads

 165,996 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,294 total reads

 201,294 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,708 total reads

 425,708 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top