Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 150,188 total views

“DURA LEX, SED LEX– The law is harsh, but it is the law!

Lahat tayo ay pantay-pantay sa batas., Ang sinumang nagkasala sa batas ay dapat managot., maparusahan. Pero sa tulad ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, mananaig kaya ang batas ng tao?

Ang 30-milyong pisong campaign donation ni top flood contractor Lawrence Lubiano kay Escudero ay “tip of the iceberg” pa lamang, ang pag-amin nito sa personal contribution sa Presidente ng Senado ay nagbunyag din sa ugnayan ng pamilya sa pulitika sa Sorsogon kung saan nakupo ng Centerways construction ang 5.4 bilyong pisong flood control projects.

Kapanalig, hindi mahalaga kung personal o corporate ang 30-milyong pisong campaign donation kay Escudero. Ang donor ay pangulo ng kumpanya na nakakuha ng 5.4-bilyong pisong flood control contracts sa home province ng Senate President. Sa sintido-kumon, ito ay impluwensiya., bayad-utang na loob…balik-pabor.

Kahit todo-tanggi si Escudero., ipipilit man niyang wala siyang kinalaman., buking na buking na., lantad na ang katotohanan. Patunay lamang ito na walang “delicadeza” ang pangulo ng Senado.

Kung mayroong “delicadeza” si Escudero, dapat na itong magbitiw bilang Senador., at aminin ang pagkakamali.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang mga kontraktor na nakakuha ng proyekto sa gobyerno ay bawal magbigay ng campaign donations sa sinumang pulitiko. Nakasaad sa Omnibus Election Code Section 95(c) contributions are banned from persons “who hold contracts or sub-contracts to supply the government or any of its divisions, subdivisions or instrumentalities, with goods or services or to perform construction or other works.”

Kapanalig, hindi lamang ito isang technical violation, ito ay maituturing na moral breach. Sumasalamin ito sa katotohanang ang public office ay para sa pansariling kapakinabangan ng isang pulitiko.

Kapanalig, ang sinumang halal na opisyal ng pamahalaan na lumabag sa batas ay maaring makulong ng anim na taon ng walang probation., madi-disqualify din ito sa public office.

Ang nakakalungkot, alam na ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglabag..kung hindi pa nabunyag., hindi pa kikilos ang ahensiya. Ngayon pa lamang magsisimula ang ahensiya ng imbestigasyon. Sa Pilipinas, ang election offense ay nareresolba ng COMELEC kapag tapos na ang termino ng nanunungkulan.

Sa sitwasyon ni Escudero., walang puwang ang teknikalidad., dapat manaig ang batas!

Kapanalig, sinasabi ng (Mark 8:36)”Let us not sweep injustice under the rug, for even rugs wear thin. Let us instead sweep our hearts clean and renew our commitment to servant leadership. For what does it profit a man to gain billions in contracts, and yet lose his soul”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 56,510 total views

 56,510 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 56,510 total views

 56,510 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 56,510 total views

 56,510 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 54,782 total views

 54,782 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 50,044 total views

 50,044 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 56,512 total views

 56,512 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 56,512 total views

 56,512 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 56,512 total views

 56,512 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 54,783 total views

 54,783 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top