Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 231 total views

Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Manila Cathedral – April 17, 2017

Mga kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat pagbati sa inyo ng isang mabiyaya at maligayang pasko ng muling pagkabuhay, happy Easter po sa inyong lahat.

At maganda po itong ating taunang pagtitipon pagkatapos ng kuwaresma, sema santa at itong tatlong araw ng puspusang paghahanda at ito’y hindi para sa atin, ito ay para dakilain ang Panginoon, ang ating pagod na ginawa ay maging kaaya-ayang handog natin sa Diyos. At harinawa, ang mga mananampalataya at pati yung mga hindi mananampalataya, marami kasing turista nagmi-meron, nakiki-usyoso, sana sa magaganda nating mga naging selebrasyon nawa’y nakilala nila lalo ang Panginoong Hesukristo.

Tayo naman mayroon din po tayong responsibilidad na pasukin, unawain itong misteryo ng tagumpay ng Diyos laban sa kasalanan at kamatayan na naganap kay Kristo Hesus. Mula pa po noong isang araw ay aking pinagsisikapan na ipakita na ang muling pagkabuhay ni Hesus, ang tagumpay ng Diyos laban sa kamatayan at kasalanan ay hindi isang bagay na napakatayog, na napakalayo nandun sa alapaap at napakahirap nating unawain at abutin.

Kasi sa totoo lang po sino ba sa atin ang mabibiyayaan tulad nila San Pedro, mga alagad na makita nila harap-harapan si Kristong muling mabuhay? Iyong karanasan nila San Pedro para sa kanila yun, natatangi yun. Hindi na natin inaambisyon na tayo rin na magkaroon ng ganoon.

Siguro po ang maganda ay sundan ang mga pahayag sa ebanghelyo, pakinggan niyo po ang mga ebanghelyo, itong darating na limang linggo makikita ninyo na ang tagumpay ni Krsito ang kanyang muling pagkabuhay ay bahagi ng ordinaryong buhay.

Sa katunayan kapag nagpapakita si Hesus na muling nabuhay hindi po sa pamamaraang nagluluningning o kaya parang extra-ordinary. Simple lang, napagkamalan nga siyang hardinero, hindi nga siya nakilala nung siya nakipaglakad doon sa dalawang alagad papuntang Emmaus. Hindi siya nakilala nung nandun siya sa dalampasigan at nagsabi kay Pedro na mayroon ba kayong nahuling isda? Mga ordinaryong usapan, ordinaryong mga pangyayari sa buhay pero sa liwanag ng muling pagkabuhay ang ordinaryong pangyayari nagiging pagpapakita ng lakas ng Diyos.Kaya tuloy lang ang ordinaryong buhay pero isinasabuhay at tinitingnan sa liwanag ng tagumpay ni Hesus.

Sa ebanghelyong narinig po natin hayaan niyong magbigay ako ng halimbawa ng mga ordinaryong pangyayari.
Sa ebanghelyo, dali-dali ang mga babae pagkatapos sila nasabihan ng anghel na wala na dito si Hesus siya ay muling nabuhay. Dali-daling silang umalis papunta sa mga alagad para ibalita ang nangyari, balitaan, ordinaryo iyan. Sigurado mamaya o kanina pa lang siguro noong nagkita-kita kayo nagbalitaan na kayo. Anong oras ka umalis kanina, ma-traffick na ba? Bakit mukhang namamaga ang mata mo? Ang balitaan ordinaryo iyan, kapag meron tayong nakita na wow extended ang easter sale sa ganitong mall parang mga babae sa ebanghelyo nagmamadali tayo, kung hindi man tatakbo tatawag magti-text, punta kayo doon may sale. Ang balitaan bahagi ng ordinaryong buhay pero ang balitaan pala ay isang pamamaraan upang ang mabuting balita ay maipahayag. Iyong sermon ni Pedro sa unang pagbasa, isa lamang iyan sa pamamaraan. Ang unang-unang pamamaraan ng pagpapahayag na si Kristo ay muling nabuhay sa pamamagitan ng simpleng balitaan. Sige tuloy niyo ang balitaan, huwag tsismisan. Balitaan ang simpleng pagkukuwentuhan, ano ang pinagkukuwentuhan, ano ang ibinabalita, huwag niyong sasabihin simpleng tao lang naman ako hindi ako nakapag- aral, hindi ko kayang ipaliwanag ang ebanghelyo? Sino ako para sumaksi kay Kristong muling nabuhay.

Ang unang pamamaraan simpleng pagbabalita sa mga kaibigan. Gamitin ninyo ang balitaan at kuwentuhan para ipakita ang tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan. Sa mga may asawa, kayong mag-asawa siguro nagbabalitaan naman kayo kung minsan kumusta ba ang araw na ito? Iyong balitaan at kuwentuhan ng mag-asawa doon maipahayag may pag-asa, mas malakas ang pag-ibig kaysa hilahil.

Kapag nagkukuwentuhan kayo, ikuwento ninyo rin kung papaanong ang pagtitiyaga, ang pag-unawa, ang pagpapatawad ay nagtatagumpay laban sa mga hinanakit, sa mga sama ng loob, sa mga hindi pagkakaunawaan. Iyan ang balitang si Kristo ay muling nabuhay. Simpleng balitaan pero kung ang balitaan niyo naiiwan na lang sa puro hindi maganda at nagtatapos sa hindi maganda parang bumalik na naman sa paglilibing kay Hesus at hindi umuuwi sa balitaan ng mabuting balita.

Hindi homiliya, hindi sermon, simple lang hindi yung aming matatayog na statements, ang pagpapahayag, balitaan at lahat kayang magbalita.

Iyong ikalawa, mahalaga sabi ni Hesus sa mga babae pumunta kayo sa mga kapatid ko, magbalita kayo at sabihin sa kanila pumunta sa Galilea. Makikita nila ako roon sa Galilea, so hindi lang pala balita pati lakad at pagtatagpo.
Si Kristong muling nabuhay simple, sabi Niya, sabihin mo sa mga kaibigan ko ha mayroon kaming date magkita kami, ganun ang mabuting balita, ganun si Kristong muling nabuhay, sabihin mo sa kanila magtagpo kami.

Kaya yung mga mag-asawa, mag date kayo, yung pagdi-date na iyan baka iyan ang karanasan ng muling pagkabuhay. Kasi ang mundo ngayon ayaw magtagpo, sa halip na magkita laging salungat, laging kontrahan, magdate nga magkita tayo, simpleng pagtatagpo.

Kung meron kayong hindi nakikita ng matagal, sabi ni Hesus magkita tayo sa Galilea. Alam po ninyo noong panahon ni Hesus ang Galilea ay isang lugar na ang tawag nila Galilea ng mga Hentil, Galilea ng mga pagano, lugar na minamaliit kasi halo-halo ang mga tao, may mga Israelita, mayroong mga hindi naniniwala sa Diyos. Kaya ang tingin ng mga taga-Jerusalem, ang Galilea mababang uri.

Doon gusto ni Hesus magkita sila muli.Bakit? Kasi doon sila unang nagtagpo, sa Galilea niya tinawag si Pedro at si Andres, sa Galilea niya unang nakita si Juan at si Santiago. Sinasabi ni Hesus, sabihin mo sa mga alagad ko magkita kami sa Galilea. Anuman ang nangyari sa Jerusalem, anuman ang nangyari ng samaan ng loob magkita kami kung saan ang aming love story ay nagsimula.

Di ba ang ganda-ganda, simpleng-simple kaya sabi ko magdate kayo, yung mga mag-asawa pumunta kayo doon sa lugawan kung saan kayo unang nagtagpo. Pumunta kayo doon sa lugar na ang pag- ibig ay manunumbalik. Kung hindi man lugar,
mga alaala, ako kahit ganito na katanda at magmimisa, maglalagay ng insenso parang bumabalik ako sa Galilea.
Naalala ko noong bata kami umaattend kami ng benediction, holy hour iyong amoy ng insenso parang pagtatagpo
muli sa Galilea.

Stories of first encounters kumbaga sabi nga noong Jesus Christ superstar can we start again please. Bumalik sa Galilea, magsimula tayong muli. Saan ang inyong Galilea, mukhang hindi Jerusalem pero doon matatagpuan si Hesus. Hindi doon sa nagpapanggap na malinis, banal na templong Jerusalem minsan matatagpuan si Hesus sa minamaliiit at tinuturing na maruming Galilea. Doon ko kayo tatagpuin sa mga simpleng tao, sa mga minamaliiit, sa preso, sa mga detention centers. Kailangang bumalik sa first love and first encounters.

Panghuli po, ito ang medyo hindi maganda, samantalang iyong mga bababe ay magbabalita at ang mga alagad ay makikipagdate muli kay Hesus. Ang mga guwardiya na nagbabantay sa libingan sinuhulan ng mga punong pari at sabi sa kanila, o heto ang salapi ikalat ninyo ang balita na hindi naman totoo ang muling pagkabuhay, ninakaw ng mga alagad ang katawan ni Kristo. Alam nitong mga gwardiya ang ktotohanan, nandoon sila nung lumindol, noong natanggal ang bato sila’y nanggilalas, natakot nga sila at alam nila ang totoo.

Pero nandiyan mamili ka, iyong totoo o iyong salapi? Tinanggap nila ang salapi. Si Hesus ipinagkanulo sa 30-pirasong pilak pati ang kanyang muling pagkabuhay ipinagpalit sa salapi, sa kamatayan at sa muling pagkabuhay lagi na lamang ipinagpapalit si Hesus sa salapi.

Ito po ay magandang paalala, saan natin nilalagay ang ating pag-asa kay Hesus ba o sa salapi? kay Hesus ba o sa sariling karangalan? kay Hesus ba o sa image, power, honor?

Ang mundo natin ngayon parang mas gustong ibigay ang pag-asa hindi kay Hesus kundi sa makamundong pag-asa. Akala ng iba basta maraming pera saved ka na, akala nung iba basta maganda yung insurance policy mo saved ka na, akala nung iba basta maganda yung gym na pinupuntahan saved na ako, akala nila na kapag maganda ang vitamin na iniinom saved na ako. Hindi natin sinasabi na hindi natin kailangan lahat iyon, pero hindi sila substitute para kay Hesus.

Kaya lagi tayong tinatanong, Hesus ba o salapi? Itong mga sususnod na araw makikita ninyo sa mga pagbasa na ang Kristong muling nabuhay dumarating pero minsan hindi natin siya makikita, pero ang liwanag niya nandoon sa mga ordinaryong balitaan, ordinaryong pagtatagpo, ordinaryong pagpili.

Harinawa sa kanyang tagumpay at liwanag maranasan natin ang Diyos ay higit pa kaysa ating kasalanan, sa ating mga sugat at sa ating kamatayan.

Tayo po ay tumahimik sandali at ibukas sa Diyos ang ating ordinaryong pagkatao, ordinaryong alalahanin upang ang kanyang liwanag at tagumpay ay mapasa-atin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Culture Of Waste

 6,264 total views

 6,264 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 14,281 total views

 14,281 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 20,741 total views

 20,741 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 26,218 total views

 26,218 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »

Higit sa simpleng selebrasyon

 36,235 total views

 36,235 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 6,013 total views

 6,013 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,998 total views

 5,998 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,958 total views

 5,958 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 6,011 total views

 6,011 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 6,013 total views

 6,013 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,959 total views

 5,959 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 6,058 total views

 6,058 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,968 total views

 5,968 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 6,010 total views

 6,010 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,953 total views

 5,953 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,965 total views

 5,965 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 6,021 total views

 6,021 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top