His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Evening mass of the Last Supper Holy Thursday, washing of the feet

SHARE THE TRUTH

 117 total views

Mga kapatid sa pananampalataya sinisimulan po natin sa hapong ito ang tatlong araw na pagdiriwang ng pagpapakasakit at muling pagkabuhay ng Panginoon, ang tinatawag po natin na easter triduum.

Ang unang malaking pagdiriwang ay ang paggunita sa hapunan ng Panginoon, sa hapunan kung saan ibinigay niya ang kanyang katawan bilang ating pagkain,ang kanyang dugo bilang ating inumin na nagbibigay buhay.

At sa ebanghelyo ayon kay San Juan,may ginawa pa si Hesus hinugasan niya ang paa ng kaniyang mga kaibigan.

Ito ang paskuwa ng Panaginoon, paskuwa, passover,pagtawid, yan ay isang malaking fiesta sa mga Hudyo, ayon sa unang pagbasa, kanilang ipagdiriwang ang pagtawid ng Panginoon,ang anghel ng kamatayan.

At ang kanilang pagtawid mula sa Ehipto patungo sa kaligtasan, lahat po naman tayo ay sanay tumawid at alam natin na ang pagtawid ay hindi laging madali lalu na kung sala salabat ang mga tricycle,ang mga taxi, ang mga sasakyan, minsan maliit lang yung tatawirin mo maari kang mabaldado.

Tingin ka sa kaliwa,tingin ka sa kanan, ngayon titingin ka na rin sa taas baka may mahulog. Parang ordinaryo ang pagtawid pero maaring maging mapanganib.

May iba-ibang uri ang pagtawid Passover, yung bata dati sanggol tatawid na siya papasok ng nursery, kinakabahan ang mga magulang ano ang mangyayari sa batang ito pagatawid niya sa bagong estado ng buhay.

Pagkatapos ng elementary, tatawid na naman kapag highschool delikado yan, papasok kaya talaga o maglalakwatsa, yang pagtawid aandap-andap na ang puso ng mga magulang,may k-12 pa mahabang tawid, pagkatapos ng grade 12 tawid ka naman mas delikado yan, yung iba hindi na makatawid, hindi na kayang mapag-aral sa kolehiyo .

Araw-araw tumatawid tayo, pero mayrooong mga pagtawid na nakakadurog ng puso .

Kamakailan lamang may mga taga Mindanao, mga lumads na dahil sa bakbakan sa kanilang lugar kailangang tumawid, naghahanap ng lugar kung saan may kapayapaan.

At dahil po sa aking naging trabaho sa Caritas nakita ko po sa refugee camp sa Greece ang mga taong taga Syria, taga Iraq, taga Afghanistan,maglalakad, tatawid ng mga bundok, tatawirin ang mga dagat, delikado po marami sa kasama nila namatay.

Yung iba akala maging madali ang buhay, ayaw naman silang tanggapin kung saan nila gustong pumasok.

Sa pagpunta ko po doon sa Greece at sa Lebanon naunawaan ko ang Passover ng mga Hudyo.

Ang kanilang pagkain na nagmamadali hindi na maaaring lagyan ng lebadura, ang pagkain magtatagal pa kailangan mabilis.

At kapag may pagkakataon na nandiyan na ang anghel ng Panginoon,tawid, sige tumawid ka iwanan ang lugar ng pagkaalipin, iwanan ang lugar ng pagyurak sa iyung dangal, magmadali kayo, tawid kayo, manalig kayo kasama ninyo nga Diyos, mayrooog lupang pangako para sa inyo.

Nakita ko po yan sa mga refugees, sa pagamamadali ang dala lang nila ang kanilang damit at ang kanilang pamilya .

Kapag nagmamadali na para iligtas ang buhay sa pamamagitan ng pagtawid hindi mo iisipin na dalhin pa ang iyung make-up kit, hindi mo na iisispin na dalhin pa ang hair blower , hindi mo na iisipin na dalhin pa ang iyung gel, magmamadali ka ang habol mo lang makatawid kami, bitbit mo ang pinakamahalaga sa iyo ang iyung pamilya .

Ano pa ang silbi ng pagtawid kung iisa ka at naiwan mo sa lumang buhay ang iyung mga minamahal .

Yan ang ipinagdiriwang ng mga Israelita taun-taon, ang mahiwagang pagtawidnila mula sa pagiging alipin sa kanilang bagong buhay , salamat sa Diyos na kumalinga .

Pero si Hesus, siya dumaan din sa sarili niyang pagtawid, sa sarili niyang Passover.

Ayon sa ikalawang pagbasa, ipinagkanulo siya pero tumawid si Hesus, tumawid sa pag-ibig.

Ang mundo na kanyang iniikutan ay pagtataksil ng mga kaibigan pa naman, sabagay sino ba ang puwedeng magtaksil kundi kaibigan , ang kaaway hindi na maaring magtaksil, kaaway mo na yan.

Ang makapagtataksil lang sa iyo ay ang kaibigan, asawa, anak , kamag anak .

Takot na takot tayo sa mga ibang tao naku ang magtataksil galing lagi sa iyung pamilya at kaibigan, no one can hurt you with betrayal except your friends .

Tumawid si Hesus puwede namang manatili si Hesus sa mundo ng galit, pantayan niya galit sa galit, pagtataksil sa pagtataksil pero tumawid siya samantalang siya’y pinagtataksilan, ipinakita nya ang kanyang pagmamahal .

Ito ang aking katawan para sa inyo, ito ang aking dugo para sa inyo , at hindi lang siya tumawid ng nag-iisa kasama niya po tayung lahat kung ang mga Israelita ginabayan ng mga anghel ng Panginoon at ni Moises sa pagtawid ngayon si Hesus ang umaakay sa atin sa pagtawid kasama niya patungo sa bagong buhay, sa bagong mundo .

Sasama ba tayo ..? patatawirin natin si Hesus ng mag-isa ka may sarili akong lakad mag-isa, kaya si Hesus sa pagtawid sa bagong buhay o tayung lahat magpapaakay sa kanya .

Papanu nga ba tayo makakasama sa kaniyang pagtawid, sa eukaristiya ibibibgay po sa atin ang tugon.

Sabi po sa ebangheyo, alam ni Hesus mamamatay na siya, alam niya tatawid siya mula sa buhay patungong kamatayan at ano ang kaniyang gagawin? ano ang desisyun mo kapag alam mo mamatay ka na ..?

Isipin nga natin kung katulad ni Hesus alam niya na nung gabing yung dadakpin siya at papatayin siya .

Kayo po, ako tatanungin ko ang sarili ko kung alam mo mamamatay ka ngayong gabi, ano ang gagawin mo ..?

May gusto bang sumagot? yung iba siguro sasabihin kakain na ako sa pinakamsarap na restaurant, magpakasasa ako sa gusto ko mamatay na rin lang naman ako ei .

Yung hindi ko naipaghihiganti pagkakataon ko na huling hirit na sige yan na ang galit, ano ang gagawin mo kapag ikaw ang tatawid mula sa kamatayan at mula buhay hanggang kamatayan .

Sabi po sa ebanghelyo, nabatid na ni Hesus malapit na siyang mamatay , ngayon ipakikita niya kung hanggang saan ang kaniyang pag-ibig sa kanila ,

Bago siya mamatay ibig niyang ipadama sa huling sandali kung gaano niya kamahal ang kayang mag alagad.

So that’s the only thing that matter , in my last moments I will show them how much i love them and i will love them to the end to the end of my life .

Iyan ang inaasahan ni Hesus kung gusto nating tumawid kasama niya tulad niya mabuhay sa pag -ibig hanggang sa wakas walang ng ibang mahalaga kundi ipakita na mahal ko sila .

At ang huling sandali ay pagpapakita ng pagmamahal maging bahagi ng pag-ibig ni Hesus .

Diyan tayo makakasabay sa pagtawid niya .

Noong una ayaw ni Pedro magpahugas ng paa sabi ni Hesus kapag hindi ka nagpahugas ng paa sa akin wala kang bahagi sa akin .

Huwag tayung aalis kay Hesus sana lagi tayung may bahagi kay Hesus , pero mangyayari lamang yan kung tayo ay magmamahal hanggang sa wakas katulad ni Hesus .

Hindi po ang ating mga achievement hindi po yung ating mga narrating, hindi po yung mga naipatayo ko ito,naipatayo ko yan yung mga ganyan.

Yang tulay na ayan kung hindi dahil sa akin hindi maipapatayo yan , yang eskuwela na yan kung hindi dahil sa akin hindi naipatayo, sa bandang huli it doesn’t matter.

Kung gusto natin ay may parte kay Hesus, ang tanong lagi nagmahal ka ba hanggang wakas .

At ngayon pong jubillee of mercy napaka konkreto ng pagmamahal na yan , nung akoy nagugutom pinakain mo ako, nung ako’y nauuhaw pinainum mo ako noong ako’y walang saplot dinamitan mo ako noong ako’y may karamdaman dinalaw mo ako, noong ako’y walang masisilungan pinatuloy mo ako .

Magmahal hanggang sa wakas ganyan tumawid may pagmamahal , pero bukod sa pagamamahal pinakita ni Hess sa paghuhuags niya ng paa ng mga alagad na ang tunay na pagmamahal kasama ang paglilingkod .

Na ang paghuhugas ng paa ay gawain ng isang alipin, si Hesus tatawid sa kamatayan pati ang kamatayan paglilingkod sa atin.

Para bagang hindi pa sapat ang napakaraming ginawa niyang paglilingkod , pangangaral, pagpalaya sa mga demonyo pagpagaling , pagbuhay sa mga namatay parang kulang pa yun , sa huli ang kanyang paglilingkod ay eto ang buhay ko , namatay ako para mabuhay kayo .

Love service , love that served love until the end . and serving by loving until the end.

Ganyan tumawid kasama si Hesus , mga kapataid ang atin pong bansa kailangan makatawid akatawid sa isang lipunan na higit na makatarungan makatatohanan mapayapa pero sana sama sama tayung tatawid at magpaakay tayo kay Hesus sa pagtawid, bilang bansa tumawid tayo kasama ni Hesus na may pag-ibig at may paglilingkod .

Sa pagdalo natin sa misa sa paggunita po natin sa mga banal na araw na ito kumapit tayo kay Hesus sumama sa kaniyang pagmamahal sumama sa kanyang paglilingkod hanggang wakas.

Bilang pagwawakas po , ilang linggo ho ang nakakaraan bumisita ako sa Lebanon , may mga refugees din po doon at nagulat po ako nung akoy inihahatid na sa airpot pabalik sa Pilipinas yung pari na kasama ko na nag gaguide sa kin ang nagtatrabaho para sa mga caritas at refugees noong malapit na kamisa airport sabi nya your eminence may ipagtatapat ako sa ‘yo . Noong giyera ang tatay ko nakidnap ang panganay kong kapatid kinidnap mahigit isang taon hindi naming alam kung buhay o patay gulong gulo po ang aming pamilya punong puno ng galit pero nag deisysun kami tatawirin natin ang pagsubook na ito ng sama sama ng may pananamapalataya at pagi-ibig kaya po ako ngayon ako ngayon isa sa tagapag alaga sa mga refugees.

Hindi niya hinayaan na ang mapait nilang karanasan na magpako sa knila sa isang lugar sa tulong ni Hesus nakatawid sila at ngayon sa halip na bitterness sila ay nakakatulong sa mga inaapi .

At kasama nila ulit ang kanilang tatay at kapatid sama-sama tayung tumawid, sama-sama kahit walang bitbit, ang bitbit lang pag-ibig at ang paglilingkod na ipinamana sa atin ni Hesus sa huling hapunan , sabi niya gawin nyo ito sa alaala sa akin magmahal kayo,maglingkod kayo, makakatawid kayo sa bagong buhay .

Tayo po ay tumahimik sandali ibukas sa ating puso para mahugasan ni Hesus huwag nating siyang palayain hayaan natin siyang maghugas ng ating puso upang wagas tayung makapagmahal at makapaglingkod .

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 46,138 total views

 46,138 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 59,705 total views

 59,705 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 55,315 total views

 55,315 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 53,032 total views

 53,032 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 57,293 total views

 57,293 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 3,189 total views

 3,189 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 3,174 total views

 3,174 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 3,133 total views

 3,133 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 3,187 total views

 3,187 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 3,189 total views

 3,189 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 3,134 total views

 3,134 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 3,234 total views

 3,234 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 3,143 total views

 3,143 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 3,186 total views

 3,186 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 3,129 total views

 3,129 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 3,141 total views

 3,141 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 3,195 total views

 3,195 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top