Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Endo sina Juan at Juana

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Mga Kapanalig, sa huling debate ng mga tumatakbo sa pagkapangulo, lahat ng mga kandidato ay nangakong wawakasan nila ang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa o mas kilala sa tawag na “endo,” short for “end of contract.” Lahat sila, totoo man o may bahid ng pamumulitika, ay nagsabing hindi makatarungan ang labor contractualization.

Ayon sa Integrated Survey on Labor and Employment na isinagawa ng Philippine Statistics Authority noong 2014, apat sa 10 manggagawang Pilipino o 39 percent ang hindi regular sa kanilang trabaho. Batay dito, tinatayang aabot sa halos 2 milyong manggagawa ang pagkatapos ng ilang buwan ay nawalan ng trabaho nang matapos ang kanilang mga kontrata.

Matatagpuan sa construction industry ang pinakamaraming bilang ng mga manggagawang hindi regular. Marami ring contractual sa mga industriya ng agrikultura at mining. At siyempre, laganap rin ang kontraktwalisasyon sa mga fastfood restaurants at malalaking shopping malls at department stores.

Tahimik ang Labor Code of the Philippines sa legalidad ng labor contractualization. Nakasaad sa batas na ang isang empleyado ay sasailalim muna sa anim na buwang “probation period.” Pagkatapos nito, magpapasya ang employer kung ang manggagawa ay gagawing regular o hindi, batay sa kanyang naging performance sa kanyang trabaho.

Ngunit, gaya na rin ng ipinunto ng isang kandidato, nahanapan ng butas ng ilang employers ang batas. Hindi na nila papaabutin sa anim na buwan ang empleyado. Ang kanyang kontrata ay hanggang limang buwan lamang. Maari siyang tanggapin muli o ma-rehire ngunit sa loob muli ng limang buwan. At dahil kailangan nina Juan at Juana ng trabaho para matugunan ang kanilang mga pagangailangan at suportahan ang kanilang pamilya, tatanggapin nila ang pagiging “endo”, ang pagiging mga manggagawang hindi kailanman bibigyan ng mga benepisyong nararapat sa isang regular na manggagawa gaya ng vacation at sick leaves, maternity leaves, health insurance, at social security.

Ang walang katapusang siklo o cycle ng labor contractualization gaya ng umiiral sa Pilipinas ay lantarang pang-aabuso ng mga negosyanteng sakim sa kita. Kung susuriin natin sa lente ng Catholic Social Teaching, malinaw na nilalabag sa baluktot na uri ng labor contractualization ang dangal ng paggawa at ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Mga Kapanalig, ayon sa encyclical na Laborem Exercens na sinulat ni St John Paul II, ang paggawa ay mabuti sa tao para ganap niyang makamit ang kanyang pagiging tao. Sa Centesimus Annus na sinulat rin niya, idiniin ng yumaong santo papa na ang isang lipunang hindi kinikilala ang karapatan sa paggawa ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapairal ng sistematikong pagdadamot sa kanila ng pagkakataong makamit ang sapat na antas ng paghahanapbuhay ay hindi kailanman makatwiran, hindi kailanman katanggap-tanggap. Magiging mailap ang tunay na kapayapaan kung ang mga patakarang pang-ekonomiya ng isang lipunan ay kumikiling lamang sa interes ng mga makapangyarihan, at nagbubulag-bulagan sa mga pangangailangan ng mga manggagawa.

Kahapon, Mayo uno, ay ginunita natin ang Araw ng Paggawa o Labor Day. Ayon sa tradisyon, araw ito upang kilalanin ang malaking ambag ng mga manggagawa sa kaunlaran ng isang bayan. Ngunit gaano po ito katotoo sa atin sa Pilipinas?

Bilang isang lipunan, pinahahalagahan ba talaga natin ang mga manggagawa? O kasama tayo sa mga naghahanap ng paraan para makaiwas na bigyan ng benepisyo ang ating mga trabahador? Kabilang ba tayo sa mga pumipigil sa pagbubuo ng mga unyon at itinuturing natin silang abala lamang sa tuwing sila ay nagkikilos-protesta para ipaglaban ang pagkakaroon ng sapat na sahod? O kasama ba tayo sa mga nagkikibit-balikat na lamang sa isyu ng baluktot na uri ng labor contractualization?

Sinuman sa mga tumatakbong pangulo ang manalo sa Lunes, ika-9 ng Mayo, tandaannatin ang kanilang pahayag tungkol sa endo. Sisingilin natin sila sa kanilang mga ipinangako.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 13,535 total views

 13,535 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 19,759 total views

 19,759 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 28,452 total views

 28,452 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 43,220 total views

 43,220 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 50,342 total views

 50,342 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 13,536 total views

 13,536 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 19,760 total views

 19,760 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 28,453 total views

 28,453 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 43,221 total views

 43,221 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 50,343 total views

 50,343 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 45,619 total views

 45,619 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 45,391 total views

 45,391 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 45,092 total views

 45,092 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 37,426 total views

 37,426 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 77,006 total views

 77,006 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 84,560 total views

 84,560 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 80,443 total views

 80,443 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 91,990 total views

 91,990 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 96,097 total views

 96,097 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 72,994 total views

 72,994 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top