196 total views
Ikinatuwa ni Prelatura ng Isabela Basilan Bishop Martin Jumoad ang ligtas na pagpapalaya sa sampung Indonesian nationals na dinukot ng bandidong Abu Sayaff.
Ayon kay Bishop Jumoad, mas makabubuti sana na palagiang mailigtas ng buhay ng militar ang mga naki – kidnap ng bandidong Abu Sayaff.
Umaasa si Bishop Jumoad na tuloy – tuloy na ang ganitong hakbangin ng mga militar upang maiwasan nang maihalintulad sa Somalia at mawala na ang pangamba ng mga turista na dumayo sa bansa.
“Ako po ay malugod na malugod na nabigyan ng kalayaan ang mga Indonesians sana po patuloy na ito. And I challenged the military to be serious in really doing their work particulary the coastguard too. Because we do not want to be likened that of Somalia and we do not want that the world will be afraid to sail our seas. So as I say as I am happy for the freedom of 10 Indonesians I also appeal to the military to do their work seriously so that the Filipino nation will have really the integrity and proud to say that we are a nation that is peace loving. God bless,” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, pinasalamatan naman ni Indonesian President Joko Widodo ang pamahalaan ngunit hindi nito alam kung binayaran ang P50 milyong piso na ransom na hinihingi ng bandidong grupo.
Nabatid na pangungunahan ng Indonesia ang isang pagpupulong kasama ang Malaysia at Pilipinas para paigtingin ang seguridad sa karagatang nasa border ng tatlong bansa.
Ang sampung pinalayang Indonesians ay inihatid sa harap ng bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan II kahapon.