Endorsement ni Velarde, kinontra ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,160 total views

Hindi sang-ayon ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa labing-dalawang senatorial candidate na inendorso ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde.

Ayon kay Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, dapat ginamit bilang basehan sa pagpili ng ii-endorsong kandidato ay walang bahid ng katiwalian at korupsyon.

Pero may record po ito. Dapat ang mga record na ‘yun ang naging basehan ng values. Kami sa layko ang ipino-promote ay common good para sa nakakarami, sa ikabubuti ng nakakarami hindi ng pansarili lang,” ayon kay Wasan sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Wasan na tila binalewala ni Velarde ang panuntunan ng unang binuong White Vote Movement ang paghahalal sa kandidatong Makadiyos, Makatao at Makabayan.

Matagal naming nakasama ang El Shaddai lalu na sa White Vote Movement sa mga values na aming sinusundan ay the same values na pinagbabasehan namin ngayon, bakit nabago. Hindi po maka-Diyos, hindi makatao at hindi maka-bayan!”pahayag ni Wasan

Kabilang sa mga inendorso ng El Shaddai sa pagka-senador sina Imee Marcos, Ramon Bong Revilla, mga kaalyado ng pangulong duterte na sina Christopher “Bong” Go at Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ay bahagi naman ng Peoples’ Choice Movement na naglabas din ng mga 10 pangalan ng mga inendorsong kandidato base sa isinagawang pagsusuri.

Sa panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hiling nito sa mga botante na itaguyod ang kristiyanong pananampalataya sa pamamagitan ng pagpili ng kandidatong nagtatakwil ng kasamaan at matapang na naninindigan sa tunay na maglilingkod sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 94,366 total views

 94,366 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 94,366 total views

 94,366 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 94,366 total views

 94,366 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 91,553 total views

 91,553 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 83,648 total views

 83,648 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top