Sambayanang Filipino, hinimok na makiisa sa “post election OPERATION CLEAN-UP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Inaanyayahan ng Obispo ng Tagbilaran ang mamamayan na makiisa sa paglilinis sa kapaligiran pagkatapos ng halalan.

Ayon kay Bishop Alberto Uy, bilang mabuting mamamayan, dapat maging kaisa sa pangangalaga ng kalinisan sa kapaligiran dahil sa labis na pagkalat ng mga campaign materials.

“We are asking the people to join us and participate in our Operation Hipos Campaign Tarpaulin. This is important because we want to give a good example to everyone that we have to take care of the tarpaulins, campaign tarpaulins because these are additional garbage,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Layunin ng ‘OPERATION CLEAN-UP OF CAMPAIGN TARPAULINS’ na gaganapin sa ika – 14 ng Mayo na maipagtanggol ang mundo sa paglaganap ng karagdagang basura, pagiging mabuting halimbawa sa pangangalaga sa kalikasan at higit sa lahat upang maghilom ang mga hinanakit na idinudulot ng halalan sa kapwa kandidato at botante.

Dahil dito hinimok ni Bishop Uy ang bawat mananampalataya sa buong lalawigan na pangunahan ang pagtatanggal at paglilinis ng mga campaign materials na nasa kanilang paligid, itabi ang mga tarpaulin at huwag sunugin dahil makasisira ito sa ozone layer at magdudulot ng polusyon o maari ring i-recycle ang mga campaign tarpaulin.
Higit na inaanyayahan ang mga kumandidato maging ang mga hindi nagtagumpay sa halalan na makiisa sa pangtanggal ng kanilang mga campaign materials katuwang ang mga campaigners, at ang sinumang may puso para sa kalikasan na tahanan ng mas nakararami.

“So everyone is invited and we are asking every parish, every barrio chapels, every BEC’s, to take care of their own territory sa pagpanghipos [pagligpit] sa mga campaign tarpaulins,” ani ni Bishop Uy.

Ang kampanyang ito ay pangungunahan nina Bishop Uy at Talibon Bishop Patrick Daniel Parcon katuwang ang mga layko ng Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon.

Hinikayat ni Bishop Uy maging ang iba pang diyosesis sa buong Pilipinas na pangunahan din ang paglilinis sa kapaligiran alisunod sa panawagan ng Kan’yang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si na dapat pangalagaan ang tahanang panlahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,788 total reads

 15,788 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,889 total reads

 52,889 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,159 total reads

 279,159 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,626 total reads

 172,626 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,865 total reads

 265,865 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top