Pananambang sa mga lingkod ng Simbahan, kinundena ng Archdiocese of Ozamis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total views

Kinundena ng Arkidiyosesis ng Ozamis ang naganap na pananambang sa ilang lingkod ng Simbahan sa bayan ng Concepcion sa Misamis Occidental noong ika – 5 ng Mayo.

Ayon kay Archbishop Martin Jumoad, dapat pairalin sa lipunan ang paggalang sa dignidad ng buhay ng tao at hindi ang galit na nagdudulot ng kasamaan.

“Let us not be carried by our emotion and we no longer respect the sanctity of life,” mensahe ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Rev. Fr. Edilberto Baculi, CM, ang kura paroko ng Immaculada Concepcion mission station patungo sa barangay Poblacion ang convoy ng mga biktima na pawang mga opisyal ng barangay at kasapi ng Eucaharistic Ministers of the Holy Communion nang tambangan sa magubat na bahagi sa Upper Dioyo 1, Barangay 18.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy Kagawad Emilio Paglinawan, Carlito Pata, Dodo Tumasan na nasa malubhang kalagayan habang nakaligtas naman si Barangay Captain Mario Manday.

Naniniwala ang mga residente sa lugar na may kaugnayan sa pulitika ang pananambang dahil kapwa supporters at volunteers ang mga biktima sa isang kumakandidatong alkalde.

Nagpasalamat naman ang Pari na nakaligtas ang marami sa kapahamakan nang maganap ang pananambang bagamat ikinalungkot ang pangyayari.

“Pinapasalamat ko sa Diyos na hindi talaga tinamaan yung marami, ako’y nalulungkot dahil yung mga katulong namin sa Simbahan, mga volunteers, walang salary, nabiktima pa sa ganitong mga collateral victims,” ani ni Fr. Baculi sa Radio Veritas.

PAALALA SA MANANAMPALATAYA

Kaugnay dito pinaalalahanan ni Archbishop Jumoad ang mamamayan na iwasan ang pagpanig sa isang partido at huwag piliin ang mga kandidatong gumagamit ng dahas para mailuklok sa posisyon.

“Let us not be too partisan because this destroys our capacity to use our intellect. Just a reminder to our voters: never vote a candidate who has private army,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Magugunitang nanawagan ang Simbahang Katolika sa Pilipinas sa mahigit 60-milyong botante na suriin ang mga kandidatong iboboto na karapat-dapat mamahala sa bayan at nakasusunod sa katangiang tinataglay ng isang tao sumusunod sa kalooban ng Panginoon.

IPANALANGIN ANG KAPAYAPAAN

Nanindigan naman si Fr. Baculi na bilang lingkod ng Panginoon, mananatili itong instrumento ng pagpapalaganap ng kapayapaan at pagmamahal sa lugar.

Ipinanalangin ng Pari ang kagalingan sa tulong ng Panginoon sa tatlong biktimang nasugatan sa pananambang at tiniyak ang buong suporta ng Arkidiyosesis sa pangunguna ni Archbishop Jumoad.

Pagbabahagi pa ng Vincentian Missionary priest na bukod sa pagiging Lay Minister sa Mission Station, aktibo rin ang ilan sa kanila sa Gagmay’ng Simbahanong Katilingban(GSK) o mas kilalang Basic Ecclesial Communities (BEC) sa katagalugan.

Panawagan ni Fr. Baculi sa mga salarin na wakasan na ang masasamang binabalak laban sa kapwa at alalahanin na maging sila rin ay may buhay na pinahahalagahan ng Panginoon.

“Sana yung maitim nilang mga balak huwag na nilang ituloy kasi kung sila ay papatay ng tao para makapaglingkod sila sa posisyon, wala rin yang silbi. Ang buhay ay mahalaga at sila rin ay may buhay din naman sana makita nila yung Diyos, sana itigil yung masasamang gawain,” apela ni Fr. Baculi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 125,755 total views

 125,755 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 250,166 total views

 250,166 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 289,662 total views

 289,662 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 362,369 total views

 362,369 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top