Panalangin laban sa krisis, iginiit ng bagong Auxiliary Bishop ng Lingayen-Dagupan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Pormal na oordinahan si Bishop-Elect Fidelis Layog bilang bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ngayong ika-8 ng Mayo, alas nuebe ng umaga sa St. John the Evangelist Cathedral sa Pangasinan.

Aminado si Bishop Layog na malaking hamon ang kanyang kahaharapin bilang pastol at taga-pagturo sa mga mananampalataya.

Dahil dito, binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng pananalangin lalo na’t humaharap sa mabilis na pagbabago ng panahon at sa maraming suliranin ang kasalukuyang lipunan.

Inilahad ni Bishop Layog na matagal nang sinusubok ang katatagan ng simbahan at nagpapatuloy ang mga pagsubok na ito hanggang sa kasalukuyan.

Gayunman, iginiit ng Obispo na na mahalagang ituring na biyaya ang mga pagsubok dahil tumutulong ito upang mapabuti at mapabanal ang simbahan.

“Siguro these are the challenges na dapat nating tanggapin o harapin because it leads us to a better perspective of what we are doing, hindi lang siguro yung mga church leaders, much more bilang isang simbahan, leaders kasama na ang mga tao. It leads us to a deeper relationship with God, a deeper prayer life kung saan maraming problema, maraming challenges, the more we should find ourselves in prayer asking for God’s help.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas

Naninindigan si Bishop Layog na hindi dapat matakot ang mga pari, relihiyoso, relihiyosa at ang mga kapwa niya Obispo sa mga banta sa kanilang buhay, dahil ito ang mga pagkakataong naipakikita ng simbahan ang kanyang katatagan sa kabila ng mga pang-uusig.

“Being threatened and attacked, it has been the experience of the Catholic Church in the very beginning na nagturo ang mga apostoles tungkol kay Kristo. Buhay na ng simbahan yan ever since, kaya we have to really fear in a way na nasasaktan tayo pero, alam nating may kasama tayo, [and] in the end Diyos pa rin ang mananaig.” Dagdag pa ng Obispo

Si Bishop-elect Layog ang ika-30 Obispo na itinalaga ni Pope Francis para sa Simbahang Katolika sa Pilipinas simula taong 2013.

Sa taong 2019, limang bagong Obispo ang itinalaga ni Pope Francis para mangasiwa sa mga Diyosesis na ‘Sede Vacante”.

Bukod kay Bishop Maceda, kabilang sa mga itinalagang Obispo sina Bishop Fidelis Layog nilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, Bishop Cosme Almedilla at Bishop Leo Dalmao.

Mula sa 86 Diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa, may lima pang Diyosesis sa Pilipinas ang “Sede Vacante” o walang nangangasiwang Obispo na kinabibilangan ng Apostolic Vicariate of Jolo Sulu, Diocese of Iligan, Diocese of Malolos, Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro at Taytay Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,521 total reads

 17,521 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,548 total reads

 54,548 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,818 total reads

 280,818 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,285 total reads

 174,285 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,381 total reads

 267,381 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,671 total reads

 34,671 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,566 total reads

 27,566 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top