383 total views
Kapanalig, nakakamamangha ang enerhiya, ang elekstrisidad. Ito ay tumutulak sa pagsulong ng sibilisasyon. Ito ang backbone ng maraming ekonomiya sa buong mundo. Gaano ba natin naiintindihan ito? Gaano ba natin napapangalagaan ang mga sources o pinanggagalingan nito?
Para magkaroon ng enerhiya, maraming komplikadong proseso ang ginagawa at nagaganap. Base sa National Power Corporation, ang mga sources ng ating enerhiya ay coal, oil, natural gas at nukleyar. Ito ay mga non-renewable, ngunit meron din naman tayong mga non-renewable sources, kaya lamang maliit na bahagi lamang sila ng energy supply sa bayan. Ang mga ito ay solar, wind, hydroelectric, biomass at geothermal.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang Pilinas ay “largely coal-consuming country.” Ibig sabihin nito, ang malaking bahagi ng ating energy supply ay mula sa coal. Tinatatayang 45% ng ating energy supply mix ay mula sa coal, habang 25% ay mula sa renewable energy sources.
Ang paglaki ng share o bahagi ng renewable energy sources sa ating power supply mix ay isang dakilang ambisyon. Ito kasi ay isang paraan upang hindi ma-deplete o maubos ang ating natural resources o ma-pollute ito dahil sa lumalaking energy demand sa ating bansa. Base sa datos ng DOE, ang peak demand growth rate sa bansa noong 2014-2015 ay naitala sa 8.1% sa Visayas Grid, 2.4% para sa Luzon at 3.3% sa Mindanao.
Ang mataas na antas ng pag-gamit ng enerhiya ay malaki ang balik sa kalikasan. Ang coal production kapanalig, na major source ng enerhiya sa buong mundo, ay nakakapagpalala ng climate change. Nag-bubuga to ng carbon at methane, mga greenhouse gases, na naiipon sa ating kalawakan na siyang nagpapa-init ng ating mundo.
Ang ating pag-gamit ng enerhiya, kapanalig, ay may direktang epekto sa kalikasan. At ang patuloy nating pagiging “energy inefficicent” ay isa sa malalaking dahilan ng pagtaas ng demand sa enerhiya. Habang tumataas ang demand na ito, nagmamahal ang halaga ng enerhiya habang unti unting nasisira naman ang kalikasan.
Kapanalig, kailangan nating magbago. Sabi ni Pope Benedict sa Caritas in Veritate: One of the greatest challenges facing the economy is to achieve the most efficient use — not abuse — of natural resources. Ito ay hamon na dapat nating tanggapin at yakapin dahil nakasalalay dito ang kinakabukasan hindi lamang ng kalikasan, kundi ng sangkatauhan.