Epekto ng COVID-19 sa mga Negosyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,499 total reads

May isang pag-aaral  mula sa World Bank noong Hulyo 2020 na naglahad ng epekto ng COVID-19 pandemic sa mga lokal na kumpanya o local firms. Ang pag-aaral na ito ay base sa survey ng mga 74,031 firms sa ating bayan.

Ayon sa survey, noong simula ng lockdown sa bansa, mga 77% ng negosyo ang tumigil ng operasyon. Noong Hulyo 2020, 40 percent sa mga kumpanyang nasurvey ay pansamantalang sinuspinde pa rin ang kanilang operasyon habang 15 percent naman ang tuluyan ng nagsara. Ayon naman sa isang report mula sa ADB noong Setyembre 2020, ang Pilipinas ang pinakamaraming micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na pansamantalang nagsara noong nakaraang taon sa Southeast Asia.

Lumuwag man ang mga quarantine restrictions, marami pa ring mga kumpanya sa bansa ang nakaranas ng malalim na pagbagsak ng kita. Ayon sa World Bank, ang sales revenue ng mga local na kumpanya ay bumagsak ng 64 percent sa pagitan ng Abril at Hulyo 2020. Ayon pa sa 89 percent ng mga kasama sa survey, tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng kanilang kita.

Ang pagliit ng kita ng mga negosyong ito ay may malawak na ripple effect na unang-unang tumama sa kanilang mga empleyado. Isa sa dalawang kumpanya ang nagsabing naging mas maliit ang sweldo nila para sa kanilang mga tauhan, at halos kalahati naman ng mga nasurvey ang nagsabi na nagbawas din sila ng mga empleyado.

Ang epekto ng pandemya sa mga negosyo ay nagdulot ng malakawang epekto rin sa ating ekonomiya, na tuloy tuloy na nakakaranas ngayon ng pagbaba ng gross national product (GNP) mula 1st quarter ng 2020 hanggang sa 1st quarter ng 2021.

Kaya nga kapanalig, kung nais natin masagip ang ekonomiya, kailangan nating sagipin ang mga negosyo sa bansa, lalo ang mga MSMEs na siya ngang gulugod ng ating ekonomiya. Isa sa dapat nating pangunahing gawin ay ang panunumbalik ng kumpiyansa ng mga mamimili at mga negosyo sa bayan sa pamamagitan ng mas malawakang vaccination program, mas maayos at maliwanag na polisiya at pamamahala sa panahon ng pandemya, at patuloy na programa hindi lamang para sa imprastraktura kundi para sa social assistance na rin.

Malaki ang hamong kinahaharap ng pamahalaan ngayong huling mga taon ng Duterte administration. Election year man sa susunod na taon, marami pa ring magagawa ang pamahalaan huwag lamang ito mawala sa pokus – pagbangon muna, una sa lahat. Ang pagpraryoridad sa pagsagip sa mga negosyo at ekonomiya ay pagtitiyak ng panlipunang katarungan. Ang pagsisiguro ng katarungan, ayon sa Deus Caritas Est, ay sentral na responsibilidad ng estado at politika.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,037 total reads

 77,037 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,284 total reads

 155,284 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,731 total reads

 188,731 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,028 total reads

 224,028 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,473 total reads

 447,473 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 77,038 total reads

 77,038 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,285 total reads

 155,285 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,732 total reads

 188,732 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,029 total reads

 224,029 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top