Diocese of Legazpi, nag-alay ng Requiem Mass para kay dating Pangulong PNoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Nag-alay ng Requiem Mass ang Diocese of Legazpi para sa yumaong si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Pinangunahan ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang Misa para sa Yumao na isinagawa sa St. Gregory the Great Cathedral Parish sa Legazpi City, Albay.

Pagbabahagi ng Obispo, ang naturang Misa ay bahagi ng pakikiisa ng Simbahang Katolika sa pagdadalamhati at pagluluksa sa pagpanaw ng ika-15 pangulo ng Pilipinas na nakilala bilang Pangulong Noynoy o PNoy.

Sa homiliya ni Bishop Baylon, ibinahagi ng Obispo na bagamat hindi perpekto ang dating Pangulong Aquino ay naipamalas naman nito ang pagsusumikap at determinasyon na mapaunlad at mapabuti ang bayan para sa bawat Filipino partikular na para sa mga mahihirap at maliliit na sektor ng lipunan.

Naniniwala rin ang Obispo sa naipamalas na katapatan at integridad ng dating administrasyong Aquino na tumutok sa maraming usapin ng katiwalian sa pamahalaan.

Paliwanag ni Bishop Baylon, hindi lamang nakasalalay sa isa o iilan ang pagkakaroon ng ganap na pagbabago sa lipunan partikular na sa pamahalaan sapagkat kinakailangan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat upang ganap na magbunga ang matagal ng hinahangad na kapayapaan sa bayan.

“Despite his short comings, I believe PNoy gave his all for the nation, for us his fellow Filipinos especially the poor and the powerless. During his presidency PNoy dreamed of a ‘Daang Matuwid’, I believe he tried his best to live this out and make his presidency function with honesty and integrity despite wrong decisions and mis-use here and there. But finally it takes more than one man to bring real changes in government or any form of human society for that matter.” Ang bahagi ng homiliya ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Ayon sa pamilya Aquino, pumanaw ang 61-taong gulang na si dating Pangulong Aquino ganap na alas-sais y medya ng umaga noong Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Bukod sa Diyosesis ng Legazpi, ilang mga diyosesis at mga Obispo na rin ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Aquino kabilang na ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pangunguna ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.

Personal naman nagtungo si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown kasama ang Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula na bagong talagang Arsobispo ng Maynila sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University upang personal na makiramay sa pamilya Aquino at mag-alay ng panalangin para sa namayapang dating Pangulo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 4,423 total reads

 4,423 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 6,204 total reads

 6,204 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 15,478 total reads

 15,478 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 52,856 total reads

 52,856 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 84,127 total reads

 84,127 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 160,667 total reads

 160,667 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 254,161 total reads

 254,161 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,330 total reads

 24,330 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top