Filipinong Pari sa Australia, nanawagan ng panalangin at tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Nanawagan ng panalangin at tulong ang Filipino priest sa Australia para sa mga mamamayang biktima ng malawakang bushfire sa ilang bahagi ng kontinente.

Ito ang panawagan ni Fr. Roel Llave-parish priest at administrator ng Saints Mary and Joseph Cathedral sa Armidale New Southwales, Australia.

Ayon sa Filipinong pari, nakaranas sila ng bushfire sa kanilang lugar habang patuloy pa rin ang sunog sa iba pang bahagi ng Australia na ang ilan din ay dahil sa sadyang panunog o arson.

“At these time medyo clear na dito sa area namin. We had the bushfire around November-December talagang napaka-usok nya on a daily basis. And now it’s toward the west and the south of Australia. So we really are asking for prayers para umulan sa Australia,” ayon kay Fr. Llave.

Sinabi ni Fr. Llave na may pag-ulan na sa ilang lugar subalit higit pa rin itong kailangan lalu na sa mga lugar na hindi pa naaapula ang sunog.

“Kasi ang bushfire ay natural tendency dahil ang gum trees may mga dagta talaga na flammable so natural ang bushfire, kaya lang siguro dahil sa dami ng nangyayari and some are with houses and properties kaya mabigat talaga,” dagdag pa ng pari.

Inihayag ni Fr. Llave na patuloy rin ang mga parokya at bawat diyosesis sa Australia sa pagsasagawa ng special collection para magbigay ng tulong sa mga residenteng nasunugan at nawalan ng mga ari-arian.

“In our own little way merong mga special collections para sa mga affected families lalu na nung Christmas…every week we have the prayer for rain, since last year pa. And in our area we have water restriction,” ayon pa sa pari.

Habang umiiral na rin ang pag-usal ng Oratio Imperata para sa pagkakaroon ng ulan at ang pagtitipid sa paggamit ng tubig lalu’t tag-init ngayon sa Australia.

Tinatayang may 300 Filipino ang kabilang din sa mga biktima ng bushfire sa Australia.

Umaabot na sa 12 million acres o higit sa 4 na milyong ektarya ng lupa ang nasusunog dahil sa bushfires.

Sa kabuuan ay may higit sa 200 libong Filipino ang mga nagtatrabaho at naninirahan sa Australia ayon na rin sa 2016 report ng Australian Bureau of Statistics.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,995 total reads

 29,995 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,861 total reads

 66,861 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,072 total reads

 85,072 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,400 total reads

 169,400 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,397 total reads

 205,397 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top