Dayalogo, mahalaga sa pagkamit ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat paigtingin ang pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Inter-Religious Dialogue, mahalaga ang pakikipag-usap upang matamo ang pagkakasundo sa pamayanan.

“Nagpapahiwatig lamang sa atin na kailangang palakasin natin ang ating ginagawa tungkol sa dialogue, pakikipagkasundo sa kapwa natin na iba ang paniniwala at relihiyon,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran bunsod ng US airstrike sa Baghdad International Airport noong ikatlo ng Enero na ikinasawi ni Iran General Qasem Soleimani, ang pinuno ng Quds military force.

Sinabi ni Bishop Dela Peña na dapat pagtibayin ang anumang hakbang tungo sa kapayapaan upang mapigilang mabuwag ang mga programang pangkapayapaan.

Aminado ang Obispo na malaking hamon ito sa bawat isa lalo na sa Pilipinas kung saan ipinagdiriwang ang Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous Peoples na layong pagkaisahin ang mamamayan sa pamamagitan ng pakikipag-usap.

“Ito’y challenge sa atin na ‘yung ginagawa natin na Year of inter-religious dialogue ay napapanahon upang labanan ang anumang hadlang para sa pakikipagkasundo at pakikipag-ugnayan,” saad ni Bishop Dela Peña.

Ikinalungkot ng Obispo ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa na malaking banta sa kaligtasan ng mga residente at ekonomiya sa lugar at maging sa Pilipinas.

Binigyang diin ng opisyal na hindi dapat humantong sa karahasan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa halip ay pairalin ang katarungan sa pamayanan.

“Dapat papanig tayo sa katarungan at kapayapaan, we will work for peace,” ani ng obispo.

Dalangin ng obispo ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan lalo na ang 1, 600 Filipino sa Iran habang anim na libo naman sa Iraq.

Nanawagan ang Obispo ng panalangin para sa pag-iral ng kaayusan sa pagitan ng mga pinuno ng mga sangkot na bansa para sa kapakanan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,020 total reads

 31,020 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,801 total reads

 67,801 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,012 total reads

 86,012 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,340 total reads

 170,340 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,298 total reads

 206,298 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,169 total reads

 4,169 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top