Obispo, binisita ang Muslim community sa Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Pinatunayan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na walang pinipili ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan kahit na magkaiba ang pananaw, paniniwala at tradisyong kinagisnan.

Binisita ng Obispo ang komunidad ng mga Muslim sa Tagbilaran kasabay ng Dakilang Kapistahan Ng Pagpapakita Ng Panginoon at ikatlong anibersaryo niya ng pagiging obispo upang mamahagi ng mga regalo.

Binigyang diin ng Obispo na ang pagdiriwang ay paalala sa bawat isa na ipinagkaloob ng Panginoon ang dakilang pag-ibig sa lahat.

“The solemn feast of the Epiphany reminds us that the love of God is for everyone,” pahayag ni Bishop Uy.

Ito rin ay pakikiisa ng Obispo sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng Pilipinas sa Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous Peoples, ang ikawalong paksa sa siyam na taong paghahanda sa ika – 500 anibersaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Tema ngayong taon ang ‘Dialogue towards harmony’ kung saan palalawakin ng simbahan ang pagsusulong ng mga pag-uusap tungo sa pagbubuklod-buklod ng mamamayan para sa kapayapaan.

Ayon kay Bishop Uy, ang pagmamahal sa kapwa ay maaring ipakikita sa payak na pamamaraan na kalugod-lugod sa Diyos kaya’t hinimok nito ang mananampalataya na patuloy ibahagi sa kapwa ang pag-ibig ng Panginoon.

“True love knows no boundaries,” ani ng obispo.

Labis ang pasalamat ng Obispo sa Muslim community sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Bukod dito, nagdiwang din ng Banal na Misa ang Obispo sa Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center bilang pasasalamat sa kanyang ikatlong taon bilang pinunong pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran.

Binisita at nakipag-ugnayan si Bishop Uy sa mga manggagawang pangkalusugan, mga pasyente at maging sa mga volunteers ng iba’t-ibang charity works ng diyosesis.

Nagpasalamat si Bishop Uy sa mga sumusuporta at nagbahagi ng kanilang oras, talento at maging ng kayamanan at gamit para makapaghatid ng mga regalo sa Muslim community at iba pang komunidad na tinutulungan ng Simbahan sa Bohol.

Hiling ni Bishop Uy sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa kanyang misyon bilang pinuno ng diyosesis at magampanan ang mga gawaing iniatang sa kanyang pangangalaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,422 total reads

 32,422 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,116 total reads

 69,116 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,327 total reads

 87,327 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,655 total reads

 171,655 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,572 total reads

 207,572 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,348 total reads

 4,348 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top