Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Kapanalig, napakahalaga ng financial literacy. Ang kaalaman ukol sa paghawak at pamamahala ng pera ay mabisang paraan upang umunlad sa buhay. Kaya lamang, ang financial literacy ay hindi nabibigyan ng sapat na atensyon sa ating bayan. Kakaunti lamang ang may sapat na kaalaman ukol dito.  May mga pag-aaral na nagsasabi na 25% lamang ng ating populasyon ang may sapat na kaalaman ukol sa financial concepts.

Kailangan nating maharap ito kapanalig, lalo na ngayon tayo ay nasa digital age. Mas mabilis na ang palitan ng pera, at kung hindi tayo maagap, madali din mawala.

Ang financial literacy ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng ating bayan dahil marami pa rin sa ating mga mamamayan ay madaling mabudol. Hindi lamang tayo  madaling mabudol sa pagbili-bili ng mga kung ano-anong trends, kapanalig. Madali din tayo mabudol ukol sa mga money-making schemes. Kaya nga marami ang nahuhulog sa mga phishing attacks online, kung saan ninanakaw ang ating mga financial information gaya ng bank accounts. Marami rin ang nahuhulog pa sa mga pyramid scheme.

Kadalasan, ang nabibiktima pa ng mga financial frauds o swindling ay mga kababayan nating naghihirap na. Kung sino pa tuloy ang mas nangangailangan, sila pa ang nawawalan. Marahil dahil sa nais na kumita agad, mas madali mapaniwala ang marami sa mga pambubudol. Upang maprotektahan ang ating mga kababayan, kailangan natin mapataas pa ang financial literacy sa ating bansa.

Maliban sa proteksyon laban sa panloloko, kailangan din natin mapataas ang ating financial literacy upang mapalago pa ang ating kita. Marami sa ating mga Filipino ang hirap makapag-impok, hindi lang dahil sa kulang sa kita, kundi dahil din kulang sa kaalaman ukol sa mga financial institutions, sa investments, at insurance.

At dahil digital na rin ang ating mundo, mas importante ang financial literacy. Kailangan natin matutunan hindi lamang ang pag-gamit ng financial apps, kailangan din natin malaman kung paano ligtas at protektado ang pag-gamit natin nito.

Ang financial literacy, kapanalig, ay responsibilidad nating lahat. Ang kaalaman ukol dito ay ating proteksyon, at kung ipagkakait natin ito sa ating mga kababayan, mahihirapan silang maka-takas sa kahirapan. Ang mababang financial literacy ng isang bayan gaya ng Pilipinas ay nagsasalamin ng kawalan ng katarungan – ang may kaalaman lamang ang may kapangyarihan, at  may kalayaang pumili ng kanilang kapalaran at makilahok sa merkado. Ayon nga sa Centesimus Annus, “Ang pagsusulong ng katarungan, ng pagkakapantay pantay ng lahat, ay kongketrong ebidensya ng pag-ibig sa kapwa.” Ang ating pananalig bilang Katoliko ay dapat magtulak sa atin na tiyakin na lahat tayo ay may pantay na access sa mga kaalaman na tutulong sa atin na maabot ang kaganapan ng ating pagkatao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 110,522 total views

 110,522 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 110,522 total views

 110,522 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 110,522 total views

 110,522 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 107,223 total views

 107,223 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 97,799 total views

 97,799 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 110,523 total views

 110,523 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 110,523 total views

 110,523 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 110,523 total views

 110,523 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 107,224 total views

 107,224 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top