Decriminalization of Marijuana, iginigiit sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,833 total views

Muling iginiit ni Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez ang pagsusulong sa medical marijuana o cannabis bilang alternatibong gamot sa mga karamdaman.

Ayon kay Alvarez, hindi maibibilang sa mga ipinagbabawal na gamot ang marijuana dahil napatunayan sa iba’t ibang pagsusuri ng mga eksperto na may kakayahan itong makagamot ng mga malalang karamdaman tulad ng cancer.

Ang pahayag ng kongresista ay kaugnay sa ginanap na media health forum na inorganisa ng Bauertek Corporation sa pangunguna ng general manager na si Richard Nixon Gomez.

Si Alvarez ang dating House Speaker sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at siyang may akda ng House Bill No. 6783 o Decriminalization of Marijuana na kasalukuyang nasa pagdinig na ng Dangerous Drugs Committee ng Kongreso.

Hinihiling ni Alvarez na mabigyan ng pagkakataon sa kongreso na maipasa ang panukala hinggil sa medical marijuana dahil posibleng makatulong ito hindi lamang sa mga may karamdaman, kundi maging sa sektor ng ekonomiya at agrikultura ng bansa.

Tinukoy naman ni Bauertek general manager Richard Nixon Gomez na maliban sa mga uri ng cancer ay maaaring magamot ng medical cannabis ang anxiety and depression, Parkinson’s disease, heart disease, at iba pang sakit.

Paliwanag ni Gomez na ang proseso sa paggawa ng gamot mula sa marijuana ay tinatanggal ang kemikal na tetrahydrocannabinol (THC) na pangunahing sanhi ng negatibong epekto sa utak at immune system.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilegal na droga ang shabu, cocaine, marijuana, ecstacy, at solvent.

Una nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 22,532 total views

 22,532 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 72,546 total views

 72,546 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 68,415 total views

 68,415 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 104,253 total views

 104,253 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 111,653 total views

 111,653 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top