208 total views

Kapanalig, napakahalaga ng financial literacy. Ang kaalaman ukol sa paghawak at pamamahala ng pera ay mabisang paraan upang umunlad sa buhay. Kaya lamang, ang financial literacy ay hindi nabibigyan ng sapat na atensyon sa ating bayan. Kakaunti lamang ang may sapat na kaalaman ukol dito.  May mga pag-aaral na nagsasabi na 25% lamang ng ating populasyon ang may sapat na kaalaman ukol sa financial concepts.

Kailangan nating maharap ito kapanalig, lalo na ngayon tayo ay nasa digital age. Mas mabilis na ang palitan ng pera, at kung hindi tayo maagap, madali din mawala.

Ang financial literacy ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng ating bayan dahil marami pa rin sa ating mga mamamayan ay madaling mabudol. Hindi lamang tayo  madaling mabudol sa pagbili-bili ng mga kung ano-anong trends, kapanalig. Madali din tayo mabudol ukol sa mga money-making schemes. Kaya nga marami ang nahuhulog sa mga phishing attacks online, kung saan ninanakaw ang ating mga financial information gaya ng bank accounts. Marami rin ang nahuhulog pa sa mga pyramid scheme.

Kadalasan, ang nabibiktima pa ng mga financial frauds o swindling ay mga kababayan nating naghihirap na. Kung sino pa tuloy ang mas nangangailangan, sila pa ang nawawalan. Marahil dahil sa nais na kumita agad, mas madali mapaniwala ang marami sa mga pambubudol. Upang maprotektahan ang ating mga kababayan, kailangan natin mapataas pa ang financial literacy sa ating bansa.

Maliban sa proteksyon laban sa panloloko, kailangan din natin mapataas ang ating financial literacy upang mapalago pa ang ating kita. Marami sa ating mga Filipino ang hirap makapag-impok, hindi lang dahil sa kulang sa kita, kundi dahil din kulang sa kaalaman ukol sa mga financial institutions, sa investments, at insurance.

At dahil digital na rin ang ating mundo, mas importante ang financial literacy. Kailangan natin matutunan hindi lamang ang pag-gamit ng financial apps, kailangan din natin malaman kung paano ligtas at protektado ang pag-gamit natin nito.

Ang financial literacy, kapanalig, ay responsibilidad nating lahat. Ang kaalaman ukol dito ay ating proteksyon, at kung ipagkakait natin ito sa ating mga kababayan, mahihirapan silang maka-takas sa kahirapan. Ang mababang financial literacy ng isang bayan gaya ng Pilipinas ay nagsasalamin ng kawalan ng katarungan – ang may kaalaman lamang ang may kapangyarihan, at  may kalayaang pumili ng kanilang kapalaran at makilahok sa merkado. Ayon nga sa Centesimus Annus, “Ang pagsusulong ng katarungan, ng pagkakapantay pantay ng lahat, ay kongketrong ebidensya ng pag-ibig sa kapwa.” Ang ating pananalig bilang Katoliko ay dapat magtulak sa atin na tiyakin na lahat tayo ay may pantay na access sa mga kaalaman na tutulong sa atin na maabot ang kaganapan ng ating pagkatao.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive mobility

 37,497 total views

 37,497 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Para sa content?

 49,575 total views

 49,575 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Kabuhayan sa Bangketa

 68,987 total views

 68,987 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »

Street People

 80,107 total views

 80,107 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »

Buhay sa Slum Settlements

 84,032 total views

 84,032 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 37,498 total views

 37,498 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 49,576 total views

 49,576 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 68,988 total views

 68,988 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 80,108 total views

 80,108 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 84,033 total views

 84,033 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 67,271 total views

 67,271 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 63,669 total views

 63,669 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 63,278 total views

 63,278 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 86,105 total views

 86,105 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 100,534 total views

 100,534 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 116,406 total views

 116,406 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 136,353 total views

 136,353 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanselado na ang PAREx!

 140,445 total views

 140,445 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalbaryo ng mga maralita

 85,749 total views

 85,749 total views Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw. Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ocean Health

 92,211 total views

 92,211 total views Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”? Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top