Functional Literacy Crisis

SHARE THE TRUTH

 87,446 total views

Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”.

Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa mahihinang estudyante… nahihirapan o hindi makaunawa…isa itong insulto para sa isang magulang na halos hindi na makakain ng tatlong beses kada araw, hindi na makabili ng personal na pangangailangan mapaaral lamang ang anak.

Sa pinakahuling 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), lumabas na 18-milyong Junior high school graduates ay nahihirapan sa comprehension.

Natural Kapanalig, nagtuturuan na kung sino ang may sala! sa patuloy na mababang antas ng functional literacy sa Pilipinas. Hindi daw puwede ito isisi sa pamahalaan, sa mga nagpapatakbo ng educational system… lalu na, huwag itong isisi sa mga guro.

Biruin mo, nasa krisis na nga Kapanalig, magsisisihan pa? Di ba nararapat natin na ituring ang statistical data na napananahong panawagan sa pagkilos ng lahat sektor sa halip na magpagalingan ng paliwanag? Wala nang sisihan, mareresolba ang mababang functional literacy sa bansa sa pagtutulungan at pagkakaisa.

Sinasabi ng Teachers Dignity Coalition, hindi problema ang mga guro…sila pa nga ang pangunahing biktima ng sistema na kumpleto sa sangkap ng kakapusan sa pondo, maling polisiya, katiwalian at malalim na ugat ng hindi magkakapantay-pantay o socio-economic inequalities..Bukod pa overworked, underpaid at walang suporta ang mga guro…Ikinakatwiran din na nahihirapan ang milyun-milyong mag-aaral na unawain ang mga aralin dahil sa kumakalam ang sikmura at inaatupag kung paano makaraos ang pamilya bawat araw. Kapanalig, nais ng pamahalaan na maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng accessible education..pero, isinara naman nila ang pinto sa mga mahihirap na estudyante dahil sa implementasyon ng K12 program

Ang kahinaang ito ng mga mag-aaral ay sumasalamin sa lumalalang kapabayaan sa educational system ng bansa. Mas malaki pa ang budget ng mga pulitiko sa dole-out at ayuda kaysa budget ng Department of Education.

Kapanalig, napaka-importante ng kuwalidad na edukasyon para sa kinabukasan ng bansa…dahil mula sa sektor na ito ang mga susunod na mamamahala at lider ng bansa. Walang puwang dapat ang pulitika sa edukasyon.
Isinasaad sa 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas Article XIV Section 1-5 na “The state shall protect and promote the right of all the citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.

Sinasabi sa Gaudium et Spes 59-60… education as a ‘common good’. The universal right to education and schooling for all. Education cannot be subservient to economic power and its workings.

Kapanalig, misyon ng Youth Servant Leadership and Education Program(YSLEP) ng Caritas Manila na makatulong upang matugunan ang laganap na kahirapan sa Pilipinas, mapatatag ang quality education sa bansa, matulungan ang mga mahihirap na mag-aaral na mai-ahon sa kahirapan ang pamilya at maging bahagi ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,387 total views

 12,387 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,031 total views

 27,031 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,333 total views

 41,333 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,050 total views

 58,050 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,021 total views

 104,021 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,388 total views

 12,388 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 27,032 total views

 27,032 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,334 total views

 41,334 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 58,051 total views

 58,051 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top