36,305 total views
Binigyang-diin ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons (CBCP-PMVP) na isang makasaysayang yugto ang kauna-unahang National Safeguarding Conference 2025 sa patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa Pilipinas.
Sa pambungad na mensahe ng Arsobispo para sa tatlong araw na pagtitipon ay ibinahagi ni Archbishop Lavarias na mahalaga ang layunin ng kauna-unahang National Safeguarding Conference 2025 upang isulong ang pagtatatag ng kultura ng pangangalaga at proteksyon sa mga bata, kabataan, at mahihinang sektor ng lipunan.
“This moment marks a critical turning point, a kairos, in our collective journey towards building a culture of safeguarding in the life of the Church in the Philippines. We come together not merely as representatives of institutions, but as stewards of hope, protectors of human dignity, and witnesses to the Gospel imperative that the little ones and the vulnerable among us must be safe, be heard, and be honored,” Bahagi ng pahayag ng Archbishop Lavarias.
Ayon sa Arsobispo, ang tema ng tatlong araw na pagtitipon na “Our Mission of Safeguarding: A Journey of Hope and Compassion” ay isang paanyaya rin upang lalong mag-ugat sa puso ng bawat lingkod ng Simbahan ang pananagutan na magtanggol, makinig, at magmalasakit bilang patotoo ng awa at pag-asa ng Diyos.
“May the theme of our conference echo deeply in our hearts. Our mission of safeguarding, a journey of hope and compassion. We must not miss what God is asking of us.” Dagdag pa ni Archbishop Lavarias.
Pagbabahagi pa ni Archbishop Lavarias, kasabay ng pagdiriwang ng Simbahan ng Jubilee Year of Hope ay patuloy na tinatawagan ng Diyos ang lahat upang gawing hindi lamang polisiya kundi kultura ng pananampalataya ang safeguarding, na nakaugat sa pagiging alagad ni Kristo at sa tunay na pagmamalasakit sa kapwa.
“Let us walk together then as one church and mission so that safeguarding becomes not only a policy but a culture rooted in our discipleship and in our witness to Christ may our word be fruitful our dialogue sincere and our soul unwavering a reliable sincere and a very soul and way of life. So welcome and let’s begin now the journey together.” Ayon pa kay Archbishop Lavarias.
Batay sa pagtataya ng CBCP– Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons (CBCP-PMVP) umabot sa mahigit 216 delegado mula sa 75 porsyento ng 87 diyosesis at arkidiyosesis sa bansa ang nakibahagi sa tatlong araw na pagtitipon, bukod pa sa mahigit 116 na kinatawan ng iba’t ibang mga religious congregations.
Samantala nasa 25 Obispo rin mula sa iba’t ibang diyosesis ang lumahok sa kauna-unahang National Safeguarding Conference 2025 bilang patunay ng malawak na suporta ng Simbahan sa pangangalaga sa mga mahihinang sektor ng lipunan.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Catholic Bishops’ Conferences ng Malaysia, Singapore at Vietnam, gayundin si Bishop Luis Manuel Ali Herrera, secretary ng Pontifical Commission for the Protection of Minors bilang simbolo ng pakikiisa ng Holy See sa inisyatibo at adbokasiya ng Simbahan sa Pilipinas.
Ang National Safeguarding Conference 2025 ay inorganisa ng CBCP-PMVP bilang tugon sa panawagan ng Synod on Synodality at bilang bahagi ng paggunita ng Simbahan sa Pilipinas ng Jubilee Year of Hope na itinuturing na taon ng pag-asa, awa, at katarungan para sa lahat.






