Ipadama ang pag-ibig at pag-asa sa PDL’s, panawagan ng CBCP-ECPPC sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,661 total views

Ipadama ang pag-ibig at pag-asa sa PDL’s, panawagan ng CBCP-ECPPC sa mamamayan

Muling pinaalalahanan ng prison ministry ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na ipadama ang malasakit, pag-ibig, at pag-asa sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ito ang bahagi ng mensahe ni Bangued, Abra Bishop Leopoldo Jaucian -isa sa mga nangangasiwa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kaugnay sa pagsisimula ng 38th Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon sa Obispo, mahalagang maramdaman ng mga PDLs ang kanilang patuloy na pakikilakbay sa buhay kasama ang Simbahan ng may pag-asang muling matuklasan ang pag-ibig ng Diyos na nakapagpapalaya.

“Para ipadama ng Simbahan na hindi sila [PDLs] nag-iisa sa paglalakbay sa buhay. At sana itong pakikilakbay ng Simbahan sa kanila through the Prison Awareness Day ay nagbibigay ng pag-asa sa kanila. At sana po sa pamamagitan din ng pagmamahal, paglilingkod ng mga volunteers, ay matamasa nila ang pag-ibig ng Diyos na umaasa na may pangako rin ng Diyos na makakalaya sila,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Jaucian sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin naman ni Bishop Jaucian na maging ang mga simpleng mamamayan ay may maaring magawa upang maipadama sa mga PDLs ang pag-asa mula sa Panginoon.

Pagbabahagi ng Obispo, isang pinakasimpleng paraan upang makiisa sa mga PDLs ay sa pamamagitan ng pananalangin, pagdalaw, at pagtulong sa mga PDLs na pawing mga konkretong hakbang ng pagkalinga at pakikibahagi sa kanilang pinagdaraanan.

“Una po yung panalangin para sa kanila. Pangalawa po kung meron tayong pagkakataon na bumisita, bisitahin natin po sila… So yun siguro at kung may kakilala po tayo, lalong-lalong na yung mga pamilya, pwede rin hindi lang po yung mga nasa loob, kundi pati rin bisitahin din natin ang kanilang mga pamilya. So, ito yung mga simpleng pamamaraan, panalangin, pagbisita, pagdalaw sa kanila. At kung may may tutulong, pwede rin po. Kasi yung anuman pangangailangan nila sa loob, kung meron daw tayong kakayahan na makibahagi o tumulong sa kanilang kapwa.” Dagdag pa ni Bishop Jaucian.

Hinikayat rin ng Obispo ang mga mananampalataya na magbahagi ng anumang tulong para sa mga PDL, bilang pagpapakita ng malasakit at konkretong pagsasabuhay ng awa at katarungan.

Paliwanag ni Bishop Jaucian, ang anumang pagtrato sa mga PDLs ay para na ring pagtrato sa Panginoon kaya naman dapat lamang na maging makatao ang bawat isa sa pakikisalamuha at pakikitungo sa mga nakagawa ng pagkakasala.

“Sabi nga kanina na kung binisita natin ang mga nasa kulungan, ay binibisita din natin ang Panginoon. Ikaw na nang gagawin natin sa kanila ay ginagawa din natin sa Panginoon.” Ayon pa kay Bishop Jaucian.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Bishop Jaucian sa mga Prison Chaplains, Volunteers, at mga kasapi ng Prison Apostolate na walang sawang naglilingkod at nagdadala ng liwanag ng pag-asa sa mga kulungan.

“Lalong-lalo po sa mga Volunteers of Prison Apostolate, maraming salamat sa mga binibigay niyong oras, panahon, para maglingkod sa mga Persons Deprived of Liberty. Sana po, mas marami pa tayo po na makiisa sa kanilang buhay at nagdadala ng pag-asa. So maraming maraming salamat po sa lahat ng mga naglilingkod, mga volunteers at mga chaplains sa Prison.” Dagdag pa ni Bishop Jaucian.

Tema ng 38th Prison Awareness Week ngayong taon ang “OUR MERCIFUL GOD PROCLAIMS HOPE FOR US SINNERS AND RESTORES DIGNITY FOR THE PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY!” na layuning bigyang halaga ang pambihirang habag, awa, pagmamahal at pag-asa na hatid ng Panginoon para sa mga Persons Deprived of Liberty na naligaw ng landas at nakagawa ng iba’t ibang pagkakasala sa buhay.

Ang taunang Prison Awareness Week na isinusulong ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ay isang paanyaya sa sambayanang Kristiyano na maging kasangkapan ng Diyos sa pagpapanumbalik ng dangal, pag-asa, at pagbabago ng buhay ng mga nakagawa ng iba’t ibang pagkakasala sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,778 total views

 11,778 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,890 total views

 81,890 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,504 total views

 156,504 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,583 total views

 236,583 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,409 total views

 279,409 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,465 total views

 1,465 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top