Gisingin ang moral na konsensiya, panawagan ni Bishop Santos sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,722 total views

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Pilipino na muling gisingin ang moral na konsensya ng bansa sa gitna ng patuloy na problema ng korapsyon at kawalan ng pananagutan sa lipunan.

Ayon kay Bishop Santos, ang korapsyon sa anumang anyo ay isang malalim na sugat sa kaluluwa ng bansa dahil pinipinsala nito ang katarungan, pinapalalim ang hindi pagkakapantay-pantay, at winawasak ang tiwala ng mamamayan sa mga institusyong dapat ay nagsisilbi sa kabutihan ng lahat.

“It distorts justice, deepens inequality, and erodes trust in institutions meant to serve the common good,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na marami na ang tila manhid sa kasalanan at katiwalian, hindi dahil sila ay likas na masama, kundi dahil sa kawalan ng pag-asa at sa kulturang tila hindi na nagpaparusa sa mali.

Giit ng obispo, “When sin is normalized, virtue becomes exceptional rather than expected.”

Paliwanag pa ng opisyal ng simbahan, ang tunay na reporma ay hindi lamang nagmumula sa mga nasa kapangyarihan kundi nagsisimula sa puso ng bawat mamamayan. Dapat aniya muling itaguyod sa pamilya, paaralan, at komunidad ang mga katangian ng katapatan, katarungan, at malasakit sa kapwa.

Kinikilala rin ni Bishop Santos ang pagkukulang ng Simbahan sa pagtindig laban sa kasamaan at may mga pagkakataong nabigo itong magsalita laban sa kawalang-katarungan.

“If we have failed to speak boldly against injustice, or if our witness has been weakened by our own shortcomings, then we must repent,” wika ni Bishop Santos.

Dagdag pa ng obispo, “The Church is called to be a moral compass—not only through preaching, but through example.”

Kaya’t panawagan ng obispo, dapat muling pagtibayin ng Simbahan ang misyon nitong maging gabay sa moralidad hindi lang sa salita kundi sa gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 197,311 total views

 197,311 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 219,421 total views

 219,421 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 290,565 total views

 290,565 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 278,729 total views

 278,729 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top