3,842 total views
Idadaos ng Economy of Francesco Foundation ang ‘Global Journey for Peace’ sa panahon ng Adbyento.
Sa pamamagitan ng online conference ay magsasama ang mga miyembro ng EoF sa limang kontinente gatundin ang mga komunidad na nagsusulong ng kapayapaan.
Ayon sa EoF Foundation, layon ng online conferences na isulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kuwento o sanaysay mula sa sariling karanasan ng mga taong naiipit sa sigalot o digmaan.
Paksa ng conference ang hakbang sa mga lugar na mayroong kaguluhan.
“This Advent, we embark on a global journey for peace. Join Ask for Peace – Advent 2024, a series of virtual regional events bringing voices of hope, resilience, and action from across the world,” Ayon sa mensahe at paanyaya ng EoF Foundation.
Magsisimula ang Global Journey for Peace sa December 09 sa Middle East, December 13 sa Latin America, December 15 sa Europa, December 20 sa Asya at December 23 sa Africa.
Upang malaman kung paano makiisa o matunghayan ang pagbabahagian ay maaring bisitahin ang official facebook, youtube at website page ng Economy of Francesco Foundation para sa mga karagdagang impormasyon at anunsyo.
“Stay tuned for more details on how to join the online events. Let’s keep asking for #peace, reflecting on Pope Francis’ call to be “entrepreneurs of dreams” and to “hope without tiring,” bahagi pa ng mensahe ng EoF Foundation.
Naunang apela ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga lider ng ibat-ibang bansa na unahin ang pagkakaisa at iwaksi ang hindi pagkakaintidihan sa pagitan ng mga bansa para sa kapakanan ng mamayan.