Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mining moratorium, panawagan ng dalawang Apostoliko Bikaryato ng Palawan

SHARE THE TRUTH

 20,472 total views

Nananawagan ang dalawang Apostoliko Bikaryato sa Palawan para sa pagpapatupad ng mining moratorium upang mapangalagaan ang lalawigan bilang ‘last ecological frontier’ ng Pilipinas.

Sa pinagsamang liham pastoral, inihayag nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, at Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich ang matinding pagtutol sa pagmimina, na nagdudulot ng labis na pinsala sa kalikasan tulad ng pagkasira ng mga gubat, soil erosion, polusyon sa ilog, at pagkamatay ng coral reefs.

“Hindi lang nakakalbo ang mga bundok natin, nawawala pa ang mga lupa nito na inaanod ng ulan at baha. Nalalason ang mga ilog at nagiging banta sa ating kalusugan. Dala nito, nadudumihan ang ating mga dalampasigan at karagatan na nagdadala ngpagkamatay ng mga bahura natin at kawalan ng kabuhayan ng ating maliliit na mangingsda,” pahayag ng mga obispo.

Binanggit ng mga obispo ang kakulangan sa epektibong monitoring ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga lokal na opisyal, kaya’t hindi naipapatupad ang batas na nag-uutos na maipanumbalik ang mga nasirang lugar.

Sa mahigit 3,000 ektaryang namina sa ilang bahagi ng Palawan, wala pang 25% ang napanumbalik, na nagpapakita na walang responsableng pagmimina sa lalawigan.
Kaya naman panawagan ng mga obispo ang mining moratorium o 25-taong pagpapahinto sa lahat ng mining applications at expansions.

“Antayin na muna natin na magkaroon tayo ng teknolohiya at industriya na magpo-proseso dito sa atin ng ating mga mineral upang magkaroon ng sustainable na trabaho sa atin at mas tataas ang halaga ng mga mineral na kinukuha sa atin. Bantayan na muna natin ang mga nagmimina sa kasalukuyan kung kaya nilang maipanumbalik ang mga bundok at gubat na sinira nila,” giit ng mga obispo.

Hamon naman ng mga obispo sa mga mambabatas ng Palawan na magpasa ng moratorium sa pagmimina, katulad ng ginawa sa Mindoro, Marinduque, at Romblon, at binigyang-diin na unahin ang kapakanan ng lalawigan kaysa pansariling interes o impluwensiya ng mining companies.

Hinikayat din ng mga obispo ang mga Palaweño, bilang mga mabubuting katiwala ng sangnilikha, na lumagda sa petisyong gawing ordinansa ang pagpigil ng pagmimina sa Palawan sa loob ng 25 taon.

“Yes to moratorium! Ito ang sigaw ng Inang Kalikasan; ito ang sigaw ng mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo na na-aapektuhan ng pagkasira na dala ng pagmimina; ito ang sigaw ng mga naniniwala na bilang katiwala may pananagutan tayong huwag sirain ang Palawan,” ayon sa liham pastoral.

Noong 2016, pinahintulutan ng DENR ang isang kumpanya na putulin ang halos 28,000 puno sa Palawan, at ngayong taon, nagpasa muli ito ng aplikasyon para sa karagdagang 8,000 puno, habang isa pang kumpanya ang pinayagang pumutol ng 52,200 puno.

Kasalukuyan ding may 67 mining exploration applications na sumasakop sa higit 200,000 ektaryang lupain sa Palawan, at 11 mining agreements na saklaw ang mahigit 29,000 ektarya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,724 total views

 42,724 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,205 total views

 80,205 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,200 total views

 112,200 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,939 total views

 156,939 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,885 total views

 179,885 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,149 total views

 7,149 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,750 total views

 17,750 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,093 total views

 7,093 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top