Go signal ng Pangulong Duterte sa operasyon ng mga pasugalan sa bansa, kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 757 total reads

Kinundina ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang patuloy na pagpapahintulot ng administrasyong Duterte sa operasyon ng mga pasugalan sa bansa.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na siyang chairman ng kumisyon, maituturing na isang kabalintunaan ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa usapin ng gambling sa bansa.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang pinakahuling pahayag ni Pangulong Duterte na pagkuha ng pamahalaan ng pera mula sa gambling bilang pondo ngayong panahon ng pandemya.

Pinuna rin ni Bishop Pabillo ang pagpapahintulot ng Pangulong Duterte sa operasyon ng mga Chinese ng POGO sa bansa gayundin ang pagbabago ng desisyon nito sa pagtatayo ng mga casino sa Boracay kung saan taong 2018 ay ipinagbawal ito.

“Sa pahayag ng presidente ngayong linggo sinabi niya: ‘Ngayon po wala tayong pera. Kung saan tayo makakuha ng pera, kukunin ko. Kung diyan sa gambling, so be it.’ At pinayagan niya na magtayo ng casino sa Boracay, na noong 2018 ay pinagbawal niya kasi dapat daw gambling free ang Boracay kasi he hates gambling daw. Ngayon nag-iba na ang tugtog kaya pati ang mga POGO ng mga Instik ay pinapayagan,” pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang Misa sa Taytay Cathedral.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, hindi lamang pera ang dinadala ng sugal sa buhay ng bawat isa kundi maging pagkalulong sa salapi na nauuwi sa iba’t ibang uri ng kasalanan at karahasan sa lipunan kabilang na ag kurapsyon o katiwalian, kidnapping at pagpatay na nakasisira sa pamilya.

Pagbabahagi ng Obispo, hindi lamang pera ang dapat na magpatakbo sa buhay at prinsipyo ng bawat isa sa halip ay mas dapat na pahalagahan ang kabutihan at dignidad ng bawat mamamayan.

Giit ni Bishop Pabillo, hindi dapat pamunuan ang bansa ng mga taong ang buhay ay hindi nakaugat sa Salita ng Diyos na mas higit na binibigyang halaga ang pera kaysa sa paninindigan sa tama at sa kabutihan.

“Alam naman natin na ang sugal ay hindi lang nagdadala ng pera. Nagdadala din ito ng corruption, ng kidnapping, ng patayan at nakakasira ng pamilya at ng buhay ng tao. Pera na ba ang nagpapatakbo ng buhay natin, na lahat ng prinsipiyo, pati ang ating salita at kabutihan ng mamamayan ay isasantabi kasi kailangan natin ng pera? Iyan ang mga tao na ang buhay ay hindi naka-ugat sa Salita ng Diyos at kawawa ang bayan na pinamumunuan ng ganyang mga tao,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Taong 2016 inimbetigahan ng Senado ang 6 na malalaking casino sa Metro Manila matapos na madiskubre ang $81 milyong dolyar na money laundering scheme sa Philippine banking system na naipuslit mula sa mga casino.

Matatandaang itinuturing ng namayapang dating CBCP – President na si retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na isang kilalang anti-gambling advocate na ang paggamit ng pera mula sa sugal ay isang uri ng pagnanakaw sa moralidad ng mga maralita.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,202 total reads

 14,202 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,257 total reads

 15,257 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,738 total reads

 30,738 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 68,115 total reads

 68,115 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,385 total reads

 99,385 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,668 total reads

 174,668 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,406 total reads

 267,406 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,011 total reads

 26,011 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top