Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘It’s between God and Duterte’-Abp. Cruz

SHARE THE TRUTH

 218 total views

Tunay na nangungusap sa kaniyang nilalang ang Panginoon.

Ito ayon kay Lingayen -Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kaugnay na rin sa isang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa ulat, galing ng Japan ang Pangulong Duterte at patungong Davao City nang ‘mangusap ang Diyos’ at nangako naman siyang hindi na magmumura.

Sinabi naman ni Cruz na ang pakikipag-usap ng Diyos ay karaniwan namang nangyayari subalit hindi ito malalaman ng ibang tao kung ano ang katotohanan- dahil ito ay sa pagitan lamang ng Diyos at ng iyong sarili.

‘So, this is between God and President Duterte. Sa atin, malalaman natin kung tayo ang kinausap. Ako malalaman ko kung ako. Pero kung kinausap siya o ung iba di natin malaman di tayo makakatiyak.’

Ayon pa kay Cruz, “Silang dalawa ang nagkakaalaman noon kung talagang kinausap sya. Kung kinausap sya salamat naman kahit paano para sa kabutihan niya ‘yon. Kung hindi sya kinausap at kung ito ay naramdaman nya mabuti rin. Pero whether siya kinausap o hindi, its Good news. Kasi hindi magandang pakinggan ung mga ganung salita, lalu na sa isang Pangulo.”

Ayon sa arsobispo, bilang mga nilalang ng Panginoon-nangungusap ang Diyos sa bawat isa subalit dahil sa ingay ng ating mundong ginagalawan ay maaring hindi natin ito naririnig.

“Ang tawag doon ay Divine Providence na ang Panginoon ang kaniyang nilalang…yung kaniyang sinasaklawan niya para sa kabutihan ang magdala sa kanila. Not something out of normal, pagkat mahal tayo, nilalang tayo, tinubos tayo. Aba’y siyempre bilang magulang, pagsasabihan,” paliwanag ni Archbishop Cruz.

Ayon naman kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs- walang standard na basehan para masabing totoo nga’ng Diyos ang nagsasalita at kausap ng tao.
Paliwanag ni Secillano, sa kasaysayan ng mga santo na nagsabing nakausap nila ang Diyos, ito ang madalas na palatandaan:

– ang mga mensaheng kanilang narinig ay consistent sa katuruan ng simbahan.

– kung ito man ay bago, napatunayan din itong totoo sa mahabang panahong pag-iimbestiga ng simbahan dahil paulit-ulit itong binabanggit na mensahe galing mismo Diyos.

– hindi lang isang beses nakipag-usap ang Diyos base sa kasaysayan ng mga Santo na nagsabing nakakausap nila ang Panginoon.

Giit pa ni Fr. Secillano, “Depende sa uri ng tao kung paniniwalaan ang kaniyang sinasabing nakakausap niya ang Diyos dahil sa madalas, mga “mystic” o yung may kakaibang kakayahang magpalagom ng kanilang pagninilay ang nabibigyan ng pagkakataong makausap ang Diyos.”

Sa kabilang banda, patuloy namang hinihikayat ng arsobispo ang bawat mananampalataya na tuwina ay manahimik sa kanyang taimtim na pagdarasal para marinig ang pangungusap ng Panginoon.

‘When we pray, we better also listen iyon po ang katotohanan nito. Pag tayo nagdarasal, huwag nating hayaan na tayo lang ang nagsasalita sa Panginoon. Makinig din tayo, dahil bumubulong din po yan, Diyos yan, buhay na buhay. Bihirang bihira po yung taong kinakausap tapos makikiunig lang tapos walang sagot. Walang kibo, pag nagdarasal tayo sa Diyos makinig tayo. Kapag magulo talaga di mo maririnig. Baka malunod ung tinig ng panginoon, taimtim na nananalangin tahimik tayo, k alma din tayo para madinig ang Panginoon,” ayon pa kay Archbishop Cruz.

Si Archbishop Cruz ay isa lamang sa mga pari na nakatanggap ng pagmumura mula sa Pangulo, bukod pa kay Pope Francis nang dumalaw ito sa Pilipinas noong 2016 dahil sa masikip na trapiko-bagama’t humingi naman ang Pangulo ng paumanhin.

Hindi rin nakaligtas sa masamang pananalita ni Pangulong Duterte si US President Barack Obama at Ban Ki Moon ng United Nations.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 2,754 total views

 2,754 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,205 total views

 36,205 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 56,822 total views

 56,822 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,513 total views

 68,513 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,346 total views

 89,346 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 5,150 total views

 5,150 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 18,240 total views

 18,240 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top