Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“God’s mercy is mercy in action!”

SHARE THE TRUTH

 14,826 total views

Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM).

Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang ninanais ng Panginoon na padaluyin ang kanyang walang hanggang awa sa sanlibutan.

“It’s mercy in action, I would like to remind the delegates after the experience of the love and mercy of God that they have felt must also be shared with others…good works should not be divorced from mercy,” pahayag ni Fr. Tao sa Radio Veritas.

Sa ikaapat na araw ng AACOM nagtungo ang mga delegado sa iba’t ibang mga parokya para sa kanilang immersion kung saan namahagi ito ng mga bundle of joy tulad ng bigas at iba pang pagkain sa mga kapus-palad.

Kabilang ang St. Joseph the Patriarch Parish sa mga napiling lugar sa immersion kung saan humigit kumulang sa 100 kataong nasasakop ng parokya ang pinagkalooban ng tulong.

Pinuri ni Fr. Tao ang gawain sapagkat ito ang isa sa mga konkretong hakbang upang maipadama sa kapwa ang habag at awa ng Panginoon lalo na sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Paliwanag ng pari na ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay dapat na maipapamalas sa pamamagitan ng paglingap sa kapwa partikular na ang mga mga mahihina at naisasantabing sektor ng pamayanan.

“We should also know that we are God’s instruments for other people’s prayer to be heard through our good action,” ani Fr. Tao.

Bukod sa St. Joseph the Patriarch Parish binisita rin ng mga delegado ang Archdiocesan Shrine of St. Therese of the Child of Jesus, Archdiocesan Shrine of the Most Sacred Heart of Jesus, Archdiocesan Shrine of San Nicolas de Tolentino, Archdiocesan Shrine of Our Lady of Lourdes, Our Lady of the Sacred Heart Parish, Our Mother of Perpetual Help Parish, Cebu Metropolitan Cathedral, at San Roque Parish.

Tema ng ikalimang AACOM ang Divine Mercy Pilgrimage of Hope in Asia kung saan bukod sa Pilipinas siyam ng mga bansa pa ang nagpadala ng delegado sa pagtitipon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,475 total views

 16,475 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,435 total views

 30,435 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,587 total views

 47,587 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,776 total views

 97,776 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,696 total views

 113,696 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 17,072 total views

 17,072 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top