Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hamon sa mga tagasunod ni Hesus

SHARE THE TRUTH

 378 total views

Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus!  

Lumabas sa Veritas Truth Survey na mayorya ng mananampalatayang Katoliko ang tumupad sa kanilang mga obligasyon nitong nagdaang Kuwaresma.1 Karamihan daw ng Katolikong Pilipino ay nag-ayuno o fasting, nangilin o abstinence, nagbigay ng limos o almsgiving, at nagdasal. Isinagawa ang survey mula Pebrero 22 o noong Miyerkules ng Abo, ang unang araw ng Kuwaresma hanggang Abril 1, Sabado bago ang Linggo ng Palaspas. Sa 1,200 respondents ng survey, 58% ang nagsabing hindi sila nahirapan sa kahit alin sa mga obligasyong nabanggit. Samantala, 26% ang nahirapan sa pag-aayuno, 10% sa pagbibigay ng limos, at tig-3% naman sa pangingilin at pagdarasal. 

Kung titingnan ang resulta batay naman sa edad, 44% ng mga edad 18 hanggang 20 ang nagsabing hindi sila nahirapan sa kanilang mga obligasyon, ngunit kalahati sa kanila ang nagsabing nahirapan silang mag-ayuno. Sa mga edad 21 hanggang 39, nasa 43% ang nagsabing hindi rin sila nahirapan sa kanilang mga obligasyon, 35% ang nahirapan sa pag-aayuno, at 13% ang nahirapan sa pangingilin. Sa mga edad naman 40 hanggang 60, halos kalahati o 48% ang nagsabing hindi sila nahirapan sa kanilang mga obligasyon, 33% ang nahirapan sa pag-aayuno, at 19% ang nahirapan sa pagbibigay ng limos. Sa mga 61 taóng gulang pataas na hindi kasama sa kanilang mga obligasyon ang pag-aayuno, 84% ang nagsabing hindi sila nahirapan sa kanilang mga obligasyon pero nasa 11% sa grupong ito ang nahirapan sa pagbibigay ng limos.2  

Para kay Fr. Clifford Sorita, ang punong-abalá sa pagsasagawa ng survey, sinasalamin ng mga resultang ito ang malalim na pananampalataya at debosyon ng mga Pilipinong Katoliko. Kaugnay nito, mahalagang alalahaning ang pagsasagawa ng mga obligasyon ay bahagi ng paghahanda sa Muling Pagkabuhay ni Hesus at ng misyong Kanyang iniwan sa ating mga tagasunod Niya.   

Mahalagang tanungin: ngayong natapos na ang Kuwaresma at Semana Santa, anong kahulugan ng pagsasagawa ng mga obligasyong ito? Tapos na rin ba ang mga obligasyong ito, lalo na ang pagbibigay ng limos? Lumalim ba ang ating pagpapahalaga sa dignidad ng tao at ang kagustuhan nating magawaran ng hustisya ang mga napatay sa madugong giyera kontra droga at iba pang krimen? Higit bang tumibay ang paninindigan natin para protektahan ang kalikasan at kalingain ang mga naisasantabi, lalo na sa mga isyung katulad ng pagtatayo ng Kaliwa Dam at mga mapanirang minahan at reklamasyon? Nahikayat ba tayong makilahok sa pamamahala at kuwestyunin ang mga kaduda-dudang ginagawa ng pamahalaan, katulad ng pagsusulong ng Charter change 

Tungkulin ng Santa Iglesia, kasama ang lahat ng mananamapalataya, na dalhin sa bawat sulok ng ating lipunan ang Mabuting Balita.3 Sa pamamagitan ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ipinahahayag natin ang Mabuting Balita at ginagawa itong buháy sa gitna ng mga isyu sa lipunan natin ngayon.4 Tungkulin ng bawat mananampalatayang isabuhay ang mga turo ni Hesus. Sa mga bagay na sekular katulad ng pulitika, pamamahala, at ekonomiya, partikular na inaasahan ang mga layko na siguruhing naipahahayag ang Mabuting Balita.5  

Mga Kapanalig, katulad ng tanong sa Santiago 2:14, “Anong pakikinabangin kung sinasabi ninuman na siya ay may pananampalataya, ngunit walang mga gawa?” Sa ibang salita, mahalaga ang pagtupad natin sa ating mga obligasyon nitong Kuwaresma at Semana Santa. Ngunit higit na mahalaga ang pagpapanibago ng kalooban natin at pagsigurong itinulak tayo ng mga obligasyong ating ginawa upang baguhin din ang mga bahagi ng ating lipunang malayo sa magandang plano ng Diyos. Sa Muling Pagkabuhay ni Hesus, iniiwan sa ating mga tagasunod Niya ang hamong isabuhay ang Mabuting Balita. Manindigan tayo para sa buhay ng tao, protektahan ang kalikasan, at isulong ang isang makatarungan at mapayapang lipunan.   

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 4,408 total views

 4,408 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 54,971 total views

 54,971 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 3,975 total views

 3,975 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 60,153 total views

 60,153 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 40,348 total views

 40,348 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 4,409 total views

 4,409 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 54,972 total views

 54,972 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 60,154 total views

 60,154 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 40,349 total views

 40,349 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 43,194 total views

 43,194 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 51,875 total views

 51,875 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 66,637 total views

 66,637 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 73,752 total views

 73,752 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 47,882 total views

 47,882 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 47,654 total views

 47,654 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 47,355 total views

 47,355 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 39,689 total views

 39,689 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 79,269 total views

 79,269 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 86,823 total views

 86,823 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 82,706 total views

 82,706 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top