Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hanapbuhay at karapatang pantao, kailangan ng drug dependents

SHARE THE TRUTH

 379 total views

Pagbibigay ng serbisyo, hanapbuhay at karapatang pantao.

Ayon sa Promotion of Church People’s Response (PCPR), ito ang kailangan ng mga biktima ng iligal na droga at hindi ang paslangin na karamihan sa kanila ay mga magulang.

Sinabi ni PCPR secretary-general Nardy Sabino, na marami ng naulila dahil sa maling kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Binanggit ni Sabino ang kaso ng mag-asawang pinatay na may 7 mga anak.

“Ang solusyon hindi pagpatay kundi pagbibigay serbisyo sa tao lalo na sa mahihirap para makalayo sila sa sitwasyon na ito. May problema sila sa pagpapalibing hanggang sa mga naiwan problema nila, pinatay ang mag-asawa 7 ang anak, ano ang kinabukasan ng mga batang ito?” pahayag ni Sabino sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, aktibo ang PCPR sa pagtulong sa pamahalaan sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug addicts at pushers gaya ng paglulunsad ng psycho social therapy, health programs kasama na ang acupuncture para makondisyon ang kanilang “physical and mental” developments.

Makikipag-ugnayan din ang grupo sa pamahalaan sa pamamagitan ng DILG at ng DSWD para matulungan ang mga batang naulila dahil sa kampanya.

“Sa local naglulunsad kami ng program psycho social therapy, health programs kahit yung acupuncture para sa pagdetox ng mga substance sa katawan, inilunsad namin yan, mura yan minsan libre pa yan habang sa pamahalaan, makikipagdayaloyogo kami sa DILG at sa DSWD dahil sa mga batang nawalan na ng ama’t ina, mga balung kababaihan,” dagdag pa ni Sabino.

Sa ulat, tinatayang nasa 15,000 mga bata na ang naulila sa magulang kaugnay ng kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga.

Sa ulat ng Philippine National Police, mula noong July 1, 2016 hanggang November 16, 2016, nasa 1, 884 na ang napapaslang sa kanilang lehitimong operasyon habang higit na sa 3,000 ang kaso ng extrajudicial killings.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika ang pamamaraan ng gobyerno na labanan ang iligal na droga sa pamamagitan ng pamamaslang sa halip na bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay ang mga suspek.

Ngayong alas 9 ng umaga, nagtungo sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang PCPR at iba pang sector upang ipanawagan na mali ang pamamaraan ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga kasama na rin dito ang pakikiisa sa mga kapamilya ng mga biktima.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,500 total views

 3,500 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,951 total views

 36,951 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,568 total views

 57,568 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 69,200 total views

 69,200 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 90,033 total views

 90,033 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 85,349 total views

 85,349 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 84,416 total views

 84,416 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 31,293 total views

 31,293 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 31,304 total views

 31,304 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 31,308 total views

 31,308 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top