Paglalabas ng Fire Safety Certificates ng BFP, pinamamadali

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Hinamon ni Department on Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang Bureau of Fire Protection na pabilisin ang paglalabas ng mga Fire Safety Inspection Certificates at Fire Safety Evaluation Clearances sa mga business establishments sa Metro Manila.

Ayon sa kalihim, kinakailangang umisip ng BFP ng mga makabagong istratehiya kung paano nila mapabibilis ang proseso ng pag-iinspeksyon at paglalabas ng clearance at certificates.

“We don’t want the fire bureau to be exercising the old traditional practices, we are encouraging you to be innovative, yong bago, for the good of the public.Pagbabago ang dapat dito sa BFP,” pahayag ni Secretary Sueno.

Gayunman ayon kay Sec. Sueno, sa kabila ng mabilis na proseso ay mahalagang mapanatili ng BFP ang kalidad ng kanilang trabaho at matiyak na ligtas ang mga establisyimento.

“Think of innovations, be creative, kung ano pa ang maganda na gagawin ng fire bureau para mapabilis ang issuance ng fire safety inspection certificates (FSIC) and fire safety evaluation clearances (FSEC) without compromising the safety of our people,” dagdag pa nito.

Isa sa nakitang suliranin ni Secretary Sueno sa mabagal na pagkilos ng kawanihan ang kakulangan nito sa tao lalo na at maraming business establishments sa Metro Manila na kinakailangang masuri.

Sinabi naman ng Kalihim na kung magagawa ng BFP na mapabilis ang kinakailangang proseso ay mas uusbong ang mga negosyo at magbubunga ng maganda ang ekonomiya ng Pilipinas.

Samantala binalaan naman nito ang BFP na tigilan na ang pagbebenta ng mga Fire Extinguisher, at bigyan ng maayos na serbisyong walang pinapaboran ang mga business investors.

Ayon nga sa Panlipunang katuruan ng Simbahan, kinakailangang unahin ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami higit sa mga pansariling interes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 13,574 total reads

 13,574 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 44,847 total reads

 44,847 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 124,054 total reads

 124,054 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,280 total reads

 218,280 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 278,317 total reads

 278,317 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 375,115 total reads

 375,115 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top