Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Imbakan ng relief goods, itatayo ng Diocese of Romblon

SHARE THE TRUTH

 441 total views

Nais ng Diocese of Romblon na palakasin pa ang kanilang kahandaan sa mga kalamidad sa mga susunod na taon.

Ayon kay Rev. Fr. Ric Magro, Social Action Director ng Diocese, hangad niya na makapagtayo ng warehouse at makapag-imbak ng mga relief goods sa kanilang mga isla kung saan agad itong magagamit kapag kinailangan ng relief operation matapos ang pagdaan ng isang kalamidad.

Aminado si Fr. Magro na suliranin para sa kanila ang pagdadala ng mga relief goods dahil na rin sa pagkakalayo-layo ng mga isla sa mismong bayan at kawalan ng sapat na kapasidad sa transportasyon.

Sinabi ng Pari na nais din nilang masolusyunan ang problema sa komunikasyon kung saan hirap siya na makipag-ugnayan sa mga kura-paroko kapag mayroon pananalasa ng bagyo.

“Meron na ako dito na Satt. Phone galing sa NASSA [Caritas Philippines] pero hindi ko din naman ma-contact ang mga Parish Priest kasi sila wala din silang signal, kaya sana magkaroon kami ng komunikasyon sa kanila through radio para kahit walang signal in times of calamity we can contact them,”pahayag ni Fr. Magro.

Sa kasalukuyan ay kumikilos na ang Social Action ng diocese of Romblon upang makapaghanap ng suporta sa kanilang binabalak na proyekto at pagpapalakas ng kahandaan sa kalamidad.

“Im trying to look for funding para mapalakas ang aming Disaster preparedness and response, we hope that through Radio Veritas makahanap tayo ng mag-fund para magawa natin ito,” dagdag ni Fr. Magro.

Magugunitang ang Diocese of Romblon ay isa sa mga labis na napinsala ng bagyong Nona noong Disyembre ng taong 2015.

Tinatayang umabot sa 4 na libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa naturang lalawigan kung saan tumugon naman ang Simbahang katolika sa pamamagitan ng pagbabahagi ng relief goods at pagtataguyod ng mga proyekto para maipatayo ang kanilang mga nasirang bahay at magkaroon ng kabuhayan ang mga residente.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,470 total views

 10,470 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,430 total views

 24,430 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,582 total views

 41,582 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,012 total views

 92,012 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,932 total views

 107,932 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,256 total views

 31,256 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 44,548 total views

 44,548 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top