Implementasyon ng FOI, kaduda-duda- iDEFEND

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297 total views

Dismayado at duda ang In Defense of Human Rights and Dignity Movement o (iDEFEND) sa implementasyon ng Executive Order No. 02 o Freedom of Information na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hulyo.

Ayon kay Ellecer Carlos – tagapagsalita ng iDEFEND, hindi magiging epektibo ang layunin ng FOI dahil maraming exceptions sa pagpapatupad nito.

Dahil dito, patuloy aniyang kaduda-duda ang pangakong pagbabago ng administrasyon sa bansa kung hindi rin ganap na maipapatupad ang Freedom of Information.

“Ang dami kasing exceptions dyan eh, na-water-down siya ng husto so dyan sa Freedom of Information we have, we really have serious doubts whether meaningful change can take place…” Ang bahagi ng pahayag ni Ellecer Carlos – tagapagsalita ng iDEFEND sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, higit isang linggo lamang mula ng magsimula ang implementasyon ng FOI noong ika-25 ng Nobyembre, umaabot na sa 140 ang request na natatanggap ng FOI Portal ng pamahalaan, at apat pa lamang dito ang naaaprubahan.

Ayon sa tala ng Presidential Communications Office, sa bilang na ito mula sa 15-state agencies ay tanging ang PCO at ang Department of Budget and Management (DBM) pa lamang ang nag-aapruba ng tig-dalawang data request para sa kanilang ahensya.

Sa tala, nangunguna ang Department of Transportation sa may pinakamadaming data request na 23 na sinundan naman ng Department of Health na may 17, Department of Information and Communications Technology na may 15 at ng Philippine National Police at Philippine Statistics Authority (PSA) na may tig-13 data request.

Nauna ng pinasalamatan ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity si Pangulong Duterte sa pagtupad nito sa isa sa kanyang pangako noong panahon ng kampanya na paglagda sa Executive Order kaugnay ng FOI na layuning maibalik ang kredibilidad sa pamamahala ng mga opisyal ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 61,818 total views

 61,818 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 84,977 total views

 84,977 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 106,251 total views

 106,251 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 272,583 total views

 272,583 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top