Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 600 total views

Kapanalig, nasusukat ba ang loyalty ng isang taon sa isang samahan sa pamamagitan ng hazing? Kailangang bang masaktan ka at mabugbog bago ka tawaging kapatid?

May biktima na naman ng hazing sa isang paaralan. May napaslang na naman sa ngalan ng kapatiran. Ilang kabataan pa kaya ang kailangang masaktan o mamamatay bago tuluyang mawaksi ang konsepto ng hazing sa ating lipunan?

Ang hazing, kapanalig, ay gawa kadalasan  ng mga organisasyon, fraternities at sororities sa ating bansa. Proseso ito na pinagdadaanan ng mga baguhan sa isang grupo bago siya tuluyang matanggap dito. Ang hazing ay hindi lamang ukol sa nalalaman natin na pagpa-paddle ng mga hita ng mga kabataan. Maraming uri at porma ito na nagnanakaw ng dangal ng mga kabataan.

Alam mo ba, kapanalig, 1954 pa lang ay may natala ng kamatayan sa ngalan ng fraternity dito sa ating bayan. Diumanong binugbog ng mga miyembro ng Upsilon Sigma Phi si Gonzalo Mariano Albert. Pumutok ang kanyang appendix, at iniwan siyang namatay sa hospital. Ngayong linggo, isa namang estudyante ang namatay, at iniwan ang katawan sa isang liblib na lugar.

Napakahirap paniwalaan, kapanalig, na buhay pa rin ang hazing sa ating bayan. Napakahirap paniwalaan na may namamatay pa rin dito. At mas lalong napakahirap paniwalaan na kadalasan, ang mga nagsasagawa ng hazing ay mga bata pa – mga kapwa college students ng mga biktima.

Hindi sapat kapanalig, ang ating mga ginagawa upang mawaksi na sa ating lipunan ang hazing. Hindi lamang ito nangyayari sa mga premyadong unibersidad. Ito ay nangyayari rin sa mga komunidad. Maraming mga gangs at frat sa mga pamayanan ang gumagamit ng hazing bilang membership ticket sa kanilang samahan.

Ang anti hazing law sa ating bansa ay hindi sapat na balakid sa hazing. Kahit pa may batas na ganito sa ating bayan, patuloy at walang takot pa rin ang maraming mga organisasyon sa pagpapahirap sa kanilang mga recruits. Sa kanilang pag-iisip, karahasan ang paraan upang matawag kang kapatid. Sa dugo at paghihirap masusukat ang lalim ng kapatiran. Kapanalig, hindi lang batas ang kailangan natin upang mabago ang ganitong perspektibo. Kailangan na nito ng malawig at tuloy-tuloy na educational at awareness campaign upang mapamukha sa mga perpetrators ng hazing na mali, maling mali, ang kanilang ginagawa.

Gisingin sana tayo ng pahayag ni Pope John Paul II: Violence is a crime against humanity, for it destroys the very fabric of society.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,864 total views

 70,864 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,859 total views

 102,859 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,651 total views

 147,651 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,622 total views

 170,622 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,020 total views

 186,020 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,588 total views

 9,588 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,865 total views

 70,865 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,860 total views

 102,860 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,652 total views

 147,652 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,623 total views

 170,623 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,021 total views

 186,021 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,616 total views

 135,616 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,040 total views

 146,040 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,679 total views

 156,679 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,218 total views

 93,218 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,508 total views

 91,508 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top