Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

SHARE THE TRUTH

 3,528 total views

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

Naninindigan ang Caritas Manila na ang edukasyon ang isa sa pinakabuting paraan upang maiahon ang sarili mula sa kahirapan.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ito ang pangunahing layunin ng Caritas Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na sumusuporta sa apat hanggang limang libong college scholars kada taon.

“At Caritas Manila, we strongly believe in the effectiveness of education in alleviating and eradicating poverty,” ayon sa pahayag ni Fr. Pascual na siya ring pangulo ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na 800 hanggang 1,000 mag-aaral sa kolehiyo nationwide ang napagtatapos ng simbahan sa pamamagitan ng YSLEP kada taon.

Naitala naman noong nakalipas na taong 2022 ang pinakamaraming nagtapos sa kolehiyo ng scholarship program ng Caritas Manila na umaabot sa 1,695.

Umaasa din si Fr. Pascual na sa mga susunod na taon ay masasaksihan ang pagbuti ng kalagayan ng ilang mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang anak na nagtapos sa kolehiyo na siyang pangunahing hangarin ng programa.

“In a few years you can actually see the effectiveness of the program and directly witness the improvement of a once impoverished family to a family with dignity and the means to lift themselves out of poverty,” ayon kay Fr. Pascual.

Nanawagan din si Fr.Pascual sa mamamayang Pilipino na makiisa at suportahan ang YSLEP upang dumami pa ang matulungan na mahihirap na mag-aaral na makapagtapos ng kurso sa kolehiyo at mai-angat ang buhay ng kanilang pamilya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 18,243 total views

 18,243 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 68,968 total views

 68,968 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 85,056 total views

 85,056 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 122,250 total views

 122,250 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 11,837 total views

 11,837 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 6,890 total views

 6,890 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 26,244 total views

 26,244 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top