Suporta kay Bishop Alminaza tiniyak ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,193 total reads

Suporta kay Bishop Alminaza tiniyak ng Caritas Philippines

Tiniyak ng Caritas Philippines ang suporta at pakikiisa sa adbokasiya at paninindigan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mga usaping panlipunan sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaisa ng Obispo ang buong social action and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa bansa.

Inihayag ni Bishop Bagaforo na makakaasa si Bishop Alminaza sa pakikiisa ng Caritas Philippines sa pagsusulong ng kapayapaan na sumasalamin sa misyon ni Hesus na pangingibabaw ng pag-ibig at katarungan para sa lahat kung saan walang anumang karahasan o kawalan ng katarungan.

“We stand with Bishop Alminaza in his conviction that pursuing peace should not be one-sided, militarized, or highly politicized. It should be a peace that echoes Jesus’ command to love and encompasses justice for the victims of violence and injustice,” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, sadyang nakababahala ang patuloy na red-tagging sa bansa lalo na sa pamamagitan ng isang himpilan ng telebisyon laban sa mga nagsusulong ng kapayapaan at katarungan tulad ng mga lingkod ng Simbahan, mga lider ng iba’t ibang batayang sektor, mga kritiko ng pamahalaan gayundin ang mga human rights at peace advocates sa bansa.

Giit ni Bishop Bagaforo, bilang pangunahing tagapagsulong ng mga programa ng Simbahang Katolika para sa mga nangangailangan ay mananatili ang paninindigan ng Caritas Philippines sa mga adbokasiyang isinusulong ni Bishop Alminaza.

“Caritas Philippines shares Bishop Alminaza’s concern over the recent red-tagging and malicious accusations made by the SMNI’s television program ‘Laban Kasama ang Bayan’ against the work of church people, bishops, and pastors, dedicated activists, and ordinary persons who advocate for peace and justice in the country. As an organization that has been at the forefront of poverty alleviation, sustainable agriculture, and empowerment of women and children, we fully support Bishop Alminaza and his efforts to fight for a just and lasting peace for all.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan naman si Bishop Bagaforo sa mamamayan at sa iba’t ibang organisasyon sa bansa na makibahagi sa pagsusulong ng pangkabuuan at pangmatagalan kapayapaan.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang aktibong paninindigan ng bawat isa laban sa karahasan at kawalan ng katarungan lalo na para sa tiyakin ang pagbibigay halaga sa dignidad ng mga itinuturing na mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

“We call on all individuals and organizations to join us in advocating for an integral and inclusive peace that benefits the common good and uplifts the poor. Let us be courageous in speaking out against violence and injustice, and let us work together towards a future where everyone can live in peace and dignity,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,388 total reads

 20,388 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,515 total reads

 20,515 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,851 total reads

 36,851 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,257 total reads

 93,257 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,758 total reads

 216,758 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,333 total reads

 300,333 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top