71,141 total views
Ang pag-upo daw ngayon ay the new smoking.
Ang ating lifestyle ngayon kapanalig, laging naka-upo. Dahil ang trabaho natin ay kadalasan nakaharap sa computer, ang matagal na pag-upo sa harap nito ay iniisip natin ay produktibo – marami tayong natatapos na trabaho. Ang hindi natin nakikita, sa walong oras o mahigit nating pag-upo, ang dami nating naiipon na banta sa ating kalusugan.
Ang matagal na pag-upo ay hindi maganda para sa ating puso at cardiovascular system. May mga pag-aaral na nagsasabi na bumabagal ang blood flow kapag lagi tayong naka-upo, na maaaring magdulot ng heart disease. Maaari rin magdulot ito blood clots. Nakakataba rin ang matagal na pag-upo at nakaka-apekto sa kapabilidad ng ating katawan na iproseso ang taba.
Sa ating bansa ngayon kung saan marami ang nagtatrabaho sa mga BPOs at marami ang nagtatrabaho bilang mga virtual assistants at freelancers, ang matagal na pag-upo, kasama pa ang unhealthy lifestyles gaya ng pagpupuyat, pagkain ng junk foods, pag-inom ng mga energy drinks ay kritikal na isyu na dapat bantayan.
Marami sa mga BPO at online workers natin, tuloy tuloy ang trabaho at puyat. Maliban sa overtime, marami sa kanila, hindi lang iisa ang kontrata at boss, kaya mahigit pa sa walong oras ang trabaho. Ginagawa nila ito, syempre para maitaas ang income nila, na kailangan lalo na sa hirap ng buhay ngayon. May pag-aaral nga na nagsasabi na 70% to 80% ng mga Filipinos na nagtatrabaho sa mga contact centers ay nasa graveyard shift habang maraming mga home-based online workers ay mas gusto na graveyard shift din magtrabaho.
Isa ito sa mga aspeto ng online work na hindi nabibigyan pansin ng mga kumpanya pati ng pamahalaan. Walang mga programa para sa healthy lifestyle ng mga online workers, lalo na para sa mga home-based. Wala silang mga health benefits sakali sila’y magkasakit, kaya’t ang kanilang kikitain sa kakapuyat ay maaaring mawala din sakaling sila ay magkasakit. Sana man lang, may mga outreach programs para dito upang maging ligtas at sustainable ang ganitong trabaho para sa ating mga manggagawa.
Kapanalig, hindi natin dapat isampa sa balikat ng manggagawa ang mga health issues na nakaka-apekto sa malaking porsyento ng ating mga manggagawa. Hindi natin dapat sila hayaan na nag-iisa, kulang ang kamalayan, at walang aksyong ginagawa sa mga health hazards ng kanilang trabaho. Ayon sa Rerum Novarum, napakahalaga ng trabaho dahil ito ay isa mga nagtutulak ng ekonomiya ng mga bansa, kaya naman “Justice demands that the interest of the workers should be carefully watched over by the administration.” Kapanalig, huwag lamang tayo tumutok sa income o profits ng ating trabaho. Tingnan din natin kung sa trabaho natin ay napapangalagaan din natin ang ating kalusugan at tinutulungan tayo magkaroon ng healthy lifestyle. Tandaan, health is wealth, kapanalig.
Sumainyo ang Katotohanan.