No work but with pay?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 158,850 total reads

Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa gobyerno, katulad ng isang senador?

Ayon kay Senate Deputy Majority Leader and Ethics Committee Chairperson JV Ejercito, ikinokonsidera na ngayon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na hindi tanggapin ang suweldo niya habang absent siya. 

Halos limang buwan nang hindi nagpapakita sa Senado si Senador Bato. Sa kabila nito, patuloy pa rin niyang natatanggap ang kanyang sweldo at allowances na umaabot sa ₱334,000 sa isang buwan. Isipin mo, sa halagang ito, puwede mo nang mapag-aral ang anak mo sa pribadong paaralan para sa isang buong school year!

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umaabot lamang sa humigit-kumulang ₱21,544 ang average na buwanang kita ng karaniwang manggagawang Pilipino. Sa ganitong kalagayan, ang paulit-ulit na pagliban sa trabaho ay talagang iniiwasan dahil ito ay may kaakibat na salary deduction, suspensyon, o tuluyang pagkasibak. Ito ang realidad para sa mga ordinaryong manggagawa.

Ngunit sa kaso ng isang senador—isang halál na opisyal na inaasahang magsilbi sa bayan—tila hindi ito umiiral. Ayon pa sa Senado, wala raw “no work, no pay” policy para sa mga mambabatas. Kung gayon, sino ang mananagot kapag hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho?

Mula pa noong Nobyembre 2025, hindi na dumadalo sa sesyon si Senador Bato matapos umugong ang balitang may warrant of arrest na laban sa kanya mula sa International Criminal Court (o ICC) kaugnay ng kanyang papel sa war on drugs ng adrministrasyong Duterte. Bilang dating hepe ng Philippine National Police, si Senador Bato ang nanguna sa implementasyon ng Oplan Tokhang, isang kampanyang nagresulta sa libu-libong pagkamatay. Ang mga pagpatay na ito ay malinaw na salungat sa turo ng Simbahan na nagsasabing ang bawat buhay ay may dignidad at halaga. Dahil sa kanyang papel sa giyera kontra droga, may posibilidad raw na dadalhin ang senador sa The Hague. Hindi siya nagpapakita dahil hindi ginagarantiyahan ng pamahalaan ang kanyang seguridad. 

Balikan natin ang pag-absent ng senador. Noong Pebrero, naghain ng ethics complaint ang grupong Wag Kang KuCorrupt. Ayon kay dating Finance Undersecretary Cielo Magno—isang miyembro ng grupo—dapat isuspinde ang sahod ni Senador Bato dahil ilang komite sa Senado ang hindi makapagpulong dahil sa kanyang pagliban. Dahil dito, may mga mahahalagang usapin na hindi natatalakay. Giit ng grupo, ang patuloy na pagliban ng senador sa kanyang trabaho ay hindi lang kapabayaan sa tungkulin, kundi pag-abuso sa tiwala ng taumbayan.

Sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at patuloy na paghihirap ng maraming Pilipino, mas nagiging mahalaga ang bawat pisong nagmumula sa kaban ng bayan. Kasama rito ang pinangsusuweldo natin sa mga opisyal ng gobyerno. Ang pagiging lingkod-bayan ay hindi isang pribilehiyo, kundi responsabilidad na dapat ginagampanan nang buong sigasig at katapatan.

Ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa posisyon o titulo, kundi sa kakayahang tuparin ang tungkulin at harapin ang pananagutan. Kapag ang tiwala ng publiko ay nasisira at ang pondo ng bayan ay hindi nagagamit nang wasto, nawawala ang saysay ng pagiging lingkod-bayan.

Mga Kapanalig, hindi lamang ito usapin kung tatanggap ba o hindi ng suweldo ang isang senador na napakatagal nang absent. Ito ay tanong ng integridad, pananagutan, at tunay na diwa ng paglilingkod. Itinuturo sa atin ng Bibliya ang kahalagahan ng pamumuno sa pamamagitan ng paglilingkod, na huwaran sa halimbawa ni Kristo sa paghuhugas ng mga paa, gaya ng inilalarawan sa Mateo 20:27. Sa panahong ito, higit kailanman, kailangan natin ng mga pinunong handang manindigan sa salita at gawa, mga pinunong hindi tumatakas sa kanilang tungkulin sa taumbayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,290 total reads

 59,290 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,786 total reads

 145,786 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,823 total reads

 188,823 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,582 total reads

 238,582 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,919 total reads

 396,919 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,291 total reads

 59,291 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,787 total reads

 145,787 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,824 total reads

 188,824 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,583 total reads

 238,583 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top