Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi, inilunsad ng ACN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,994 total reads

Pormal nang inilunsad ng Aid to the Church in Need-Philippines ang “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi” sa Manila Cathedral.

Ayon kay ACN-Philippines National Director Maximus Ventura, layunin ng inisyatibo na makalikom ng pondo para sa pagtatayo ng Pro-cathedral ng Prelatura ng Marawi.

Bilang bahagi ng programa, nagbukas ng exhibit ng Aid to the Church in Need-Philippines sa St. Jude Chapel ng Manila Cathedral noong ika-26 ng Abril, 2026 na magtatagal hanggang sa ika-8 ng Mayo, 2026 bago mag-iikot sa 14 na iba pang mga arkidiyosesis sa buong bansa.

Pagbabahagi pa ni Ventura, layon ng caravan na palakasin ang diwa ng kapayapaan at pakikiisa para sa mga komunidad sa Marawi, sa pamamagitan ng konkretong suporta sa Simbahan sa lugar kung saan nakatakdang gunitain ang ika-50 anibersaryo ng prelatura sa darating na Nobyembre, 2026.

“Iniimbitahan kayo na makiisa sa ating ‘Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi’ ito po ay iikot sa 14 na archdioceses mula sa Archdiocese of Manila paakyat sa Tuguegarao, then Nueva Segovia and it will work its way down to Marawi in time for the 50th anniversary of the Prelature of Marawi in November, 2026.” Bahagi ng paanyaya ni Ventura sa Radyo Veritas.

Matatandaang, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng misyon at paglilingkod ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need Philippines ay opisyal na inilunsad noong Enero ang dalawang lokal na fundraising initiatives sa kauna-unahang pagkakataon.

Una, ay ang Padayon sa Prelatura ni Santa Maria sa Marawi (PPSM), na isang inisyatibo upang tumulong sa muling pagpapatayo ng Pro-Cathedral ng Prelatura ng Marawi matapos na magtamo ng matinding pagkasira ang dating St. Mary’s Cathedral sa Marawi City na ginamit ding kuta ng teroristang grupong Maute-ISIS group noong kasagsagan ng Marawi Siege na nagsimula noong Mayo 23, 2017.

Tema ng ika-10 anibersaryo ng ACN-Philippines ang “Share the Light, Keep it Lit!” na layong patuloy na isulong ang paglilingkod at misyon nito sa mga inusig at inaaping Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko na isinasagawa sa diwa ng habag at pakikiisa, sa pamamagitan ng panalangin, tamang impormasyon, at konkretong pagkilos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,890 total reads

 57,890 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,386 total reads

 144,386 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,423 total reads

 187,423 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,182 total reads

 237,182 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,620 total reads

 395,620 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top