Articles of impeachment laban kay VP Duterte, inaprubahan ng House Committee on Justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,693 total reads

Inaprubahan ng House Committee on Justice ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos makuha ang suporta ng 55 miyembro na dumalo sa pagdinig. Isinumite na ng komite sa plenaryo ang Committee Report, kasama ang resolution, at Articles of Impeachment, para sa deliberasyon at botohan.

Batay sa ulat, natukoy ng komite ang pagkakaroon ng probable cause matapos ang ilang linggong pagdinig at pagsusuri ng mga dokumento at ebidensya. Ayon sa komite, sapat ang mga nakalap na datos upang umusad ang proseso ng impeachment alinsunod sa itinakda ng Konstitusyon.

Kinumpirma ni Committee Chairperson Gerville Luistro na lahat ng 55 miyembrong dumalo ay pabor sa pagpapatibay ng ulat at ng kalakip na Articles of Impeachment.

“Let it be placed on the record that 55, out of 55 Justice members physically present, manifested their support to the approval of the Committee Report, to the attached resolution setting forth the Articles of Impeachment, as amended. The Chair therefore declares the motion unanimously approved,” ayon kay Luistro.

Pinagsama sa Committee Report ang dalawang reklamo na itinuring na sapat sa porma at nilalaman. Nauna nang naghain ng tugon si Duterte noong March 16, habang isinuko naman ng mga complainant ang kanilang karapatang tumugon, kaya’t tuluyang nakapagpasya ang komite sa usapin ng probable cause.

Kabilang sa mga batayan ng impeachment ang sinasabing paglabag sa Konstitusyon, katiwalian at korapsyon, panunuhol, mabibigat na krimen, at pagtataksil sa tiwala ng publiko.

Ilan sa mga alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo:
• Maling paggamit at kuwestiyonableng liquidation ng mahigit ₱600 milyong confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education
• Hindi maipaliwanag na yaman at hindi kumpletong deklarasyon sa SALN
• Umano’y sangkot sa panunuhol at korapsyon ang ilang opisyal sa ilalim ng kanyang pamumuno
• Pag-uugnay sa umano’y mga banta at akto ng karahasan laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan
• Mga hakbang na itinuturing na destabilization at pang-aabuso sa kapangyarihan

Tinukoy din sa ulat ang mga audit findings ng Commission on Audit, ulat ng Anti-Money Laundering Council, at testimonya ng mga saksi at eksperto. Kabilang sa mga ebidensyang tinalakay sa pagdinig ang:
• Malalaking halagang sinasabing dumaan sa impormal na transaksyon
• Mga resibo at liquidation documents na may indikasyon ng pamemeke
• Mga pangalang walang tugma sa opisyal na talaan
• Mga rekomendasyon ng refund at bilyong pisong transaksyon na sinuri
Ayon kay Luistro, sinuri ng komite ang lahat ng ebidensya, kabilang ang sariling SALN ni Duterte, na nagbukas ng usapin sa posibleng hindi tugmang deklarasyon ng yaman.

Hindi na rin binuksan ng komite ang isang sealed box ng tax records mula sa Bureau of Internal Revenue dahil sa legal na limitasyon.

Sa pag-apruba ng Committee Report, nakatakdang talakayin at pagbotohan sa plenaryo ng Kamara ang Articles of Impeachment. Kapag nakuha ang boto ng hindi bababa sa one-third ng lahat ng miyembro ng House of Representatives o 106, iaakyat ang kaso sa Senado na siyang magsisilbing impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,881 total reads

 57,881 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,377 total reads

 144,377 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,414 total reads

 187,414 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,173 total reads

 237,173 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,611 total reads

 395,611 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top