COOPUNITY, inilunsad ng UMMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,914 total reads

Hinimok ng Union of Metro Manila Cooperatives ang mga public utility jeepney o (PUJ) drivers na isabuhay ang kooperatibismo.

Inihayag ito ni Shiela Fernandez sa paglulunsad ng ‘COOPUNITY: Katuwang ang Bayang Ayaw sa Gera’ kung saan namahagi ng bigas, gulay at iba pang pangunahing pangangailangan ang UMMC sa mga kasapi ng Dahlia Transport Cooperatives sa Marikina.

Sinabi ni Fernandez na panimula ito ng relief operations sa mga driver na palalawigin hanggang lungsod ng Maynila at Quezon City.

Ayon kay Fernandez, layon ng simpleng pagtulong na mapalalim din ang kaalaman ng mga driver dahil kulang at hindi organisado ang kanilang kooperatiba.

“Hindi naman lihim sa ating kaalaman na mahirap ang buhay ngayon, at ang mga tsuper ang pangunahing tinamaan ng krisis. Dahil sa modernization program, maraming tsuper ang napilitang mag-co-op kahit hindi pa handa o sapat ang kaalaman nila sa pagpapatakbo nito. Ang problema, pagkatapos silang mapasama sa kooperatiba, kulang ang suporta at gabay kung paano ito patakbuhin bilang isang negosyo. Kaya hindi pa rin ito lubos na natatanggap ng maraming tsuper, at nagsa-suffer ang mga transport cooperatives. Kaya kami ay nandito hindi lang para tumulong, kundi para gabayan sila upang maging sustainable ang kanilang mga kooperatiba,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fernandez.

Hangad ng UMMC na mapapaunawa sa mga driver na ang coop ay isang negosyo, may share capital at may obligasyon ang bawat miyembro na patakbuhin at maging sustainable ang kooperatiba.

“Ang coop ay isang negosyo, hindi lang simpleng samahan. May share capital, may obligasyon ang bawat miyembro, at kailangan itong maunawaan ng mga tsuper. Kung may sapat na kaalaman at gabay kung paano ito patakbuhin, mas magiging maayos at sustainable ang kanilang kooperatiba,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fernandez.

Ibinahagi din ni Fernandez na umaabot sa 5-libong PUJ drivers sa National Capital Region ang dumaranas ng hirap dahil sa napakataas na halaga ng mga produktong petrolyo.
Sa mga nais makiisa sa inisyatibo ng UMMC ay maaring magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,848 total reads

 57,848 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,344 total reads

 144,344 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,381 total reads

 187,381 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,140 total reads

 237,140 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,579 total reads

 395,579 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top