2,704 total views
Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’.
Inaalok ng H-E-I ang mga diploma mills o mga diplomang mabilis makuha sa iba’t-ibang kurso kapalit ng hindi de-kalidad na edukasyon at pagtuturo na hindi naaayon sa kaalaman o abilidad ng mga mag-aaral.
Iginiit ng CEAP na nalalagay sa alanganin ang pagkamit ng maayos na edukasyon ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagtangkilik sa H-E-Is.
Nanindigan ang CEAP na nararapat na mapanagot at maparasuhan ang mga nasa likod ng pananamantala sa mga mag-aaral kapalit ng kita.
“The proliferation of diploma mills and poor-quality degree program in the Philippines is an outright assault on the integrity of our education system and a betrayal of learners who deserve nothing but excellence. We must hold accountable those who exploit students for profit while eroding public trust in legitimate institutions. We fully support strong regulatory action, unified advocacy, and systemic reforms to shut down these operations and protect the dignity and future of every Filipino learner,” pahayag ng CEAP.
Suportado ng CEAP ang babala ng Commission on Higher Education sa mga mag-aaral na huwag tangkilikin ang mga H-E-I at ginagawang imbestigasyon ng institusyon sa mga tinaguriang diploma mills.
Sa pagdiriwang ng Jubilee of the World of Education sa Vatican, isinulong ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagtuturo tangan ang mga kaugalian ng malalim na sariling pagninilay, pagkakaisa, pag-ibig, at kagalakan sa puso upang maging mabisa at tunay ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.




