Bishop Mallari, nag-alay ng panalangin sa kahinahunan at lakas ng loob ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,612 total reads

Hinimok ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga Pilipino na maging mahinahon at patatagin ang pananampalataya sa pagharap sa mga suliranin sa ekonomiya.

Ito’y sa malaking epekto ng big-time oil price hike, pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, pagtaas ng pamasahe at serbisyo na resulta ng digmaan sa Middle East.

Ayon kay Bishop Mallari, sa pamamagitan ng pananampalataya ay mapapalakas ang loob ng mga Pilipino sa pagharap ng mga suliranin at makabangon sa pagkalugmok.

“Panalangin para sa Kahinahunan at Lakas ng Loob ng mga Pilipino:
Mahal na Diyos, sa gitna po ng kaguluhan at krisis dulot ng digmaan, kami po ay lumalapit sa Iyo na may bukas na puso. Bigyan po Ninyo kami ng kapayapaan, lakas ng loob, at kahinahunan upang harapin ang mga hamong ito. Gabayan po Ninyo ang aming mga pinuno upang makagawa sila ng mga desisyong makakapagpaunlad at makapagbibigay-lunas sa aming bayan. Pawiin po Ninyo ang takot at pagdududa sa aming mga puso, at palakasin ang aming pananampalataya na sa tulong Ninyo ay malalampasan namin ang pandemyang ito at ang mga epekto ng digmaan. Amen,” ayon sa panalangin na pinadala sa Radyo Veritas ni Bishop Mallari.

Ayon sa Obispo, mahalaga rin ang pagkakaisa sa puso ng bawat Pilipino upang malutas ng sama-sama ang problemang kinakaharap ng bansa.

“Mga minamahal kong kababayan, sa panahon ng krisis, higit nating kailangan ang pagkakaisa at pagkakaroon ng pag-asa. Hindi madali ang mga pagsubok na dulot ng digmaan — mula sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin hanggang sa kawalan ng katiyakan sa ating pang-araw-araw na buhay. Ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa. Manalig tayo sa Diyos, magtulungan tayo bilang isang bayan, at patuloy na magpakatatag. Sama-sama nating haharapin ang mga hamon at manalig na sa kabila nito ay may bukang-liwayway na naghihintay sa atin,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Mallari.

Una ng inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong taas presyo sa pamasahe sa mga traditional jeepneys.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 12,083 total reads

 12,083 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 196,066 total reads

 196,066 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 227,798 total reads

 227,798 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 329,621 total reads

 329,621 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 370,178 total reads

 370,178 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 382,815 total reads

 382,815 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 12,084 total reads

 12,084 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top