Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi dapat maliitin ang sekswal na pang-aabuso

SHARE THE TRUTH

 624 total views

Mga Kapanalig, isang video na pinamagatang “Virgin Marie” ang lumabas kamakailan sa YouTube. Ipinakikita roon ang isang batang babaeng umiiyak habang nagbibigay ng salaysay sa naranasan niyang sekswal na pang-aabuso. Sa simula ng video, sinasabing hindi raw nagsisinungaling ang mga bata. Sa dulo ng video, malalaman ng mga manonood na dinidiktahan pala siya ng isang abugado upang magbigay ng maling salaysay. Matatapos ang video na sinasabing nagsisinungaling ang mga bata. Nakababahala ang mensahe ng video dahil, una sa lahat, ibinunton ang sisi sa bata sa halip na sa matandang pinilit siyang magsinungaling.

Ginagawa rin nitong maliit na isyu ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata. Ayon sa pag-aaral ng Council for the Welfare and Children at UNICEF noong 2016, tatlo lamang sa bawat sampung batang Pilipino inabuso ang humingi ng tulong mula sa kanilang pamilya o ahensya ng pamahalaan. Hindi nila ipinaaalam sa iba na inabuso o pinagsamantalahan sila dahil sa takot na mahusgahan, kahit ng kanilang pamilya, at dahil sa pangambang walang maniniwala sa kanilang sasabihin. At dahil pinipili nilang manahimik, hindi na sila nabibigyan ng katarungan.

Kinikilala mismo ng Korte Suprema ang kakayanan ng mga batang magbigay ng kapani-paniwalang salaylay sa isang pagdinig, ngunit paano pa sila maglalakas-loob na magsumbong at sabihin ang totoo kung may mga taong hinuhusgahan na silang nagpapanggap lamang sa kabila ng matinding pinagdaanan? Sa halip na tumulong na palakasin ang loob ng mga batang biktima at suportahan sila upang magsalita sila at ipaglaban ang kanilang karapatan, ipininta ng gumawa ng video ang mga bata sa maling paraan.

Mistulang pagkutya rin ang video sa ilang dekadang pagsusumikap ng mga grupong kumilos upang magkaroon tayo ng mga batas na mangangalaga sa karapatan ng mga biktima ng sekswal na pang-aabuso. Malinaw sa video ang maling pag-unawa sa isyu ng sekswal na pang-aabuso. Bahagi ang ganitong uri ng video ng tinatawag nating “rape culture” kung saan isinisisi sa mga biktima ang sekswal na karahasang ginawa sa kanila.

Mga Kapanalig, itinuturing nating mga Kristyano ang sekswal na pang-aabuso, lalo na ang panggagahasa o rape, bilang napakatinding kasamaan. Nag-iiwan ito ng malalim na sugat sa pagkatao at dangal ng mga biktima. Binubura ng rape sa mga biktima ang kanilang respeto sa sarili, kalayaan, at integridad—mga bagay na hindi dapat mawala sa sinuman. Kaya’t hindi dapat palampasin ang isang video na minamaliit ang isyung ito.

Ayon sa Save the Children, isang organisasyong nagtataguyod ng mga karapatang pambata, maraming maaaring gawin upang tuldukan ang sekswal na karahasang bumibiktima sa mga bata. Isa sa mga ito ang pagkakaroon ng patakarang itinataas ang edad ng pagtukoy ng statutory rape mula sa 12 taóng gulang. Para sa Child Rights Network, isang koalisyong nagtataguyod ng karapatang pambata, dapat itaas ang edad ng pagtukoy ng statutory rape dahil wala pang sapat na kakayanang magpasyang makipagtalik ang isang labindalawang taóng gulang na bata. Hindi pa rin handa ang kanilang pisikal na pangangatawan para gawin ang bagay na iyon. Malaki rin ang pangangailangang pahusayin ang sistemang pangkatarungan upang hindi natatakot ang mga babae, lalo na ang mga bata, na dumulog sa kinauukulan at humingi ng tulong kapag nabibiktima sila ng karahasang sekswal.

Ngunit, mga Kapanalig, higit sa pagkakaroon ng mga patakaran at pagsasaayos sa ating sistemang pangkatarungan, kailangan nating magsumikap na burahin ang Rape Culture sa ating lipunan. Tawagin natin ang pansin ng mga taong ginagawang biro o maliit na bagay ang Rape, gaya ng ginawa ng lumikha ng kontrobesyal na video. Palakasin natin ang loob ng mga biktimang magsalita sa halip na sisihin sila sa krimeng ginawa sa kanila. Huwag tayong manahimik kapag may nalalaman tayong kaso ng pang-aabuso.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,079 total views

 6,079 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,063 total views

 24,063 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,000 total views

 44,000 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,193 total views

 61,193 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,568 total views

 74,568 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,213 total views

 16,213 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

GEN Z PROBLEM

 6,081 total views

 6,080 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,065 total views

 24,065 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,002 total views

 44,002 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,195 total views

 61,195 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,570 total views

 74,570 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 85,956 total views

 85,956 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 120,721 total views

 120,721 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 119,706 total views

 119,706 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 132,359 total views

 132,359 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »
Scroll to Top