Tularan ang mga Bayani at Santo

SHARE THE TRUTH

 904 total views

May pagkakahawig ang buhay ng mga Bayani at ang mga Santo ng Simbahang Katolika.

Ito ang inihayag ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, kaugnay sa paggunita ng National Heroes Day.

“Unang-una siguro yung pagkakapareho nila ay parehong nag-aalay ng buhay. Yung mga bayani natin, nag-aalay ng kanilang buhay sa paglilingkod at pagmamahal sa ating bayan habang yung mga martir [Simbahang Katolika] naman natin yung nag-aalay ng buhay din nila para sa pananampalataya, para sa Diyos at sa bayan ng Diyos.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo isang magandang halimbawa para sa mamamayan at mananampalataya ang ipinakikita ng mga bayani at Santo na nagbuwis ng kanilang buhay bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Dahil dito hinimok ni Bishop Mallari ang mga mamamayan partikular na ang mga kabataan sa bansa na tularan ang kabutihang ipinamamalas ng mga bayani at ang pagsusumikap ng mga Santo na maipalaganap at maihayag ng buong tapang ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Samantala, sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binigyang pagkilala ang mga Ordinaryong mga Bayani sa kasalukuyang panahon na nagsusumikap para maitaguyod ang mga mahal sa buhay at ang bansang Pilipinas.

Kabilang sa mga binanggit ng pangulo ang mga Sundalo lalo na ang mga nakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City noong nakalipas na taon, ang mga pulis na tapat naglilingkod sa bayan, mga Overseas Filipino Workers at ang mga guro na nagsusumikap araw-araw na nakatutulong sa pag-unlad ng bayan at ng mamamayan.

Batay naman sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, mahigit sa sampung libo na ang mga idineklarang Santo kabilang na dito ang mga Filipinong Santo na si San Pedro Calungsod at San Lorenzo Ruiz na kilalang nagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko.

Magugunitang sinabi noon ni Pope Francis na ang lahat ay mga bayani sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 331 total views

 331 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,151 total views

 15,151 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,671 total views

 32,671 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,244 total views

 86,244 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,481 total views

 103,481 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,456 total views

 22,456 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 26,203 total views

 26,203 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top