Walang magagawang pagbabago sa hudikatura si De Castro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Walang inaasahang magagawang pagbabago sa Hudikatura ang bagong hirang na Chief Justice ng Supreme Court na si Teresita Leonardo de Castro.

Ayon kay dating SolGen Florin Hilbay, may dalawang buwan na lamang mananatili sa posisyon si CJ De Castro na magreretiro sa Oktubre 18, 2018.

“Halos wala na po sa totoo lang kung ang tinitingnan natin ay yung mga Reporma na kailangang gawin ng mga punong Mahistrado bilang lider ng Hudikatura, yung 41 days ay kulang na,” ayon kay Florin Hilbay.

Ayon kay Hilbay sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, hindi rin maiaalis ang paniniwala ng marami na ang pagkakapili kay De Castro ay dahil na rin sa bahagi nito na mapatalsik sa posisyon si Ma. Lourdes Sereno na kilalang kritiko ng administrasyon.

“Parang may konting bahid ng dumi sa kaniyang kamay dahil nagbenefit siya sa isang desisyon na ang nangyari ay nagbukas ang posisyon na ngayon ay kaniya nang inuupuan. Parang may Conflict of Interest on her part. Kahit sabihin natin na Legally Qualified si De Castro para ma-appoint,” ayon kay Hilbay.

Itinanggi naman ni Hilbay na hindi naman batas na ipinapatupad ang ‘Seniority Rule’ sa pagpili ng pinuno ng Korte Suprema.

“Hindi naman. Dahil katulad ni CJ Panganiban hindi naman sya ang pinaka-senior noong siya ay na-appoint na punong mahistrado maging si CJ Davide. Sa tingin po ang mga mahistrado natin tatanggapin nila yung mga senior kahit hindi pinaka-senior. Minsan ang mga umaalma ay kung masyadong junior ang na-appoint kaya wala naman sa batas at kultura na ang pinaka-senior ang i-appoint,” paliwanag ni Hilbay.

Paglilinaw ng Malacanang ang pagpili kay Castro ay hindi bilang gantimpala, kundi pagkilala ng judicial professionalism sa pinakamatagal nang nagsilbi sa hudikatura.

Sa isang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hinikayat nito ang bawat isa na maging pagpapakumbaba at iwaksi ang ‘Self Entitlement’ o pag-aangat sa sarili at pag-aasam ng higit na kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hustisyang matagal nang hinihintay

 59 total reads

 59 total reads Mga Kapanalig, sisimulan na ngayong araw ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (o ICC). Siya ang kauna-unahang dating

Read More »

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 149,904 total reads

 149,904 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 208,070 total reads

 208,070 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 344,575 total reads

 344,575 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top