Administrasyong Duterte, Walang polisiya sa rice sufficiency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Mananatili ang suliranin ng bigas sa bansa dahil sa kawalang malinaw na polisiya ng pamahalaan.

Ito ang tugon ng grupong Bantay Bigas kaugnay sa panawagan ng ilang mambabatas na alisin ang National Food Authority dahil hindi nagagampanan ang tungkulin na panatilihin ang presyo at suplay ng bigas.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupo, walang epekto ang pagtanggal sa nasabing ahensya sa kasalukuyang krisis ng bigas na kinakaharap ng bansa.

“Kahit araw-araw pa nilang palitan ang NFA at DA ay hindi mababago yung problema hangga’t hindi pinapalitan mismo yung sistema kung paano resolbahin ang kakapusan, ang krisis natin sa Agrikultura.” pahayag ni Estavillo sa Radio Veritas.

Ayon kay Estavillo, maliit ang inilaan na budget para sa NFA upang makabili ng palay sa mga magsasaka kaya walang direktang epekto kung sakaling tuluyang maalis ang ahensya.

Aniya, dapat bigyang pansin ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapalawak sa mga programang pang-agrikultura at tutukan ang sektor ng pagsasaka upang magiging sapat at mapanatili ang suplay ng bigas para sa mga Filipino.

Batay sa pagsaliksik ng Bantay Bigas may 4.3 milyong ektarya ang lupang sakahan sa buong bansa kung saan mahigit 3 milyon dito ay irrigable land ngunit 53 porsiyento lamang ang naaabot ng irigasyon habang ang iba ay umaasa sa tubig ulan.

Magugunitang nanawagan ang ilang mambabatas sa pangunguna ni Senator Cynthia Villa ang Chairperson ng Senate Committee on Agriculture na alisin ang National Food Authority dahi sa bigong gampanan ang mandato nito sa bayan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis iginiit nitong mahalaga ang sektor ng pagsasaka sa pagsulong ng bawat komunidad dahil sa ambag nito sa ekonomiya ng isang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,299 total reads

 93,299 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,329 total reads

 187,329 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 231,597 total reads

 231,597 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 254,706 total reads

 254,706 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 325,591 total reads

 325,591 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top