Gobyerno, Dapat tutukan ang NFA sa pagtiyak ng suplay at mababang halaga ng bigas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 466 total reads

Nanawagan ang isang Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Pamahalaan na tutukan ang National Food Authority (NFA) para sa kapakinabangan ng mahihihirap na mamamayan dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Ito ang pahayag ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari kasunod ng panawagan ng ilang mambabatas na alisin ang NFA dahil sa bigong gampanan ang mandating pagtiyak sa sapat suplay sa abot kayang halaga sa pamilihan.

Ayon sa Obispo, nakatutulong sa mamamayan ang NFA dahil dito lamang makabibili ng mababang presyo ng bigas.

“Siguro, mahalagang tutukan ng Pamahalaan ang pamunuan ng NFA kasi nakatulong naman ito sa mamamayan. Dapat maalis yung Korapsyon sa Ahensya para maging maayos ang pamamalakad nito,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Hiling din ng Obispo sa Gobyerno na tulungan ang mga magsasaka sa bansa upang maisulong at mapalago ang lokal na produksyon ng bigas.

Kabilang sa mga nanawagan na alisin ang NFA sina Senators Cynthia Villar, Aquilino Pimentel III at Francis Drilon.

Nais naman ng ilang mambabatas na suriin at pag-aralan ang maaring kahihinatnan kung tuluyang alisin ang NFA bilang ahensyang nangangasiwa sa suplay ng bigas sa bansa.

Ang National Food Authority ay itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1770 noong Enero 1981 na layuning maisulong ang paglago sa Industriya ng palay sa Bansa at agtiyak sa seguridad ng suplay ng abot kayang halaga ng bigas para sa mga Filipino.

Sa kasalukuyan mayroong 15 regional offices ang NFA habang 86 naman ang provincial offices.

Dahil dito hinimok din ni Bishop Mallari na magtulungan ang Pamahalaan at Simbahang Katolika sa ikabubuti ng bawat mamamayan sa bansa na higit na apektado sa mga usaping panlipunan tulad ng kakulangan ng suplay sa pagkain.

“Mahalagang magkaisa ang Pamahalaan at Simbahan para na rin sa kapakanan ng mga tao,” dagdag ng Obispo.

Kinilala rin ng Simbahan ang malaking ambag ng sektor ng pagsasaka sa pag-unlad ng isang Komunidad dahil sa pagsusumikap nitong makapaghatid ng pagkain sa bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,394 total reads

 90,394 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,424 total reads

 184,424 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,692 total reads

 228,692 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,801 total reads

 251,801 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,850 total reads

 322,850 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top